Pumunta sa nilalaman

Pamantasang Clark

Mga koordinado: 42°15′04″N 71°49′23″W / 42.250977°N 71.823169°W / 42.250977; -71.823169
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jonas Clark Hall

Ang Pamantasang Clark (Ingles: Clark University) ay isang Amerikanong pribadong unibersidad sa pananaliksik na matatagpuan sa Worcester, Massachusetts, Estados Unidos. Ang University ay matatagpuan sa Main South Neighborhood ng Worcester.

Itinatag noong 1887 sa pamamagitan ng malaking kaloob mula kay Jonas Gilman Clark, isang kilalang negosyante, ang Clark ay isa sa mga unang modernong unibersidad sa pananaliksik Estados Unidos. Orihinal na isang institusyon para lamang sa antas graduwado, ang mga unang mag-aaral ng Clark sa antas undergraduate ay pumasok noong 1902 Ang unibersidad ay nag-aalok ng 46 meyjor, maynor, at at konsentrasyon sa humanidades, mga agham panlipunan, natural na agham, at inhenyeriya at nagbibigay-daan sa mga mag-aaral upang magdisenyo sila ng mga pinasadyang meyjor at makilahok sila sa mga pre-propesyonal na programa. Ito ay kilala sa mga programa nito sa larangan ng sikolohiya, heograpiya, pisika, biology, at pagnenegosyo at ito ay isang kasapi ng Higher Education Consortium of Central Massachusetts kasama ang Worcester Polytechnic Institute at College of the Holy Cross.

42°15′04″N 71°49′23″W / 42.250977°N 71.823169°W / 42.250977; -71.823169 Edukasyon Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.