Pamantasang Estatal ng Voronezh
Ang Pamantasang Estatal ng Voronezh (Ingles: Voronezh State University) ay isa sa mga pangunahing unibersidad sa gitnang Russia, na matatagpuan sa lungsod ng Voronezh . Ang unibersidad ay itinatag noong 1918 ng mga propesor na lumikas mula sa Unibersidad ng Tartu sa Estonia. Ang unibersidad ay may 18 fakultad at humigit-kumulang 22,000 mag-aaral mula sa Russia, Europa, Afrika, Amerika, at Asya. Bukod dito, ang unibersidad ay may 6 instituto ng pananaliksik at 16 laboratoryo sa pananaliksik na pinangasiwaan ng Russian Academy of Science. Ang unibersidad ay binubuo ng 10 gusali at 7 resident hall na matatagpuan sa buong lungsod. Sa loob ng higit sa 90 taon ang Unibersidad ay nagsanay ng higit sa 100,000 mga propesyonal. Kabilang sa mga nagtapos sa unibersidad ay mga nanalo ng Nobel, State Prize ng Russia, mga akademiko, ministro, at mga kinatawan ng agham at kultura.
51°39′21″N 39°12′22″E / 51.65589°N 39.20609°E Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.