Pamantasang George Mason
Ang Pamantasang George Mason (Ingles: George Mason University, GMU, Mason, o George Mason) ay isang pampublikong unibersidad sa pananaliksik Fairfax, Virginia, Estados Unidos. [1] Nagsimula ang Mason bilang isang sangay ng Unibersidad ng Virginia noong 1956 at naging isang malayang institusyon noong 1972. Mula noon ay ito ang naging pinakamalaking pampublikong unibersidad sa Komonwelt ng Virginia. Ang unibersidad ay ipinangalan kay George Mason, isang manananim sa Virginia at politiko na nagsulat ng deklarasyon ng mga karapatan sa Virginia, ang batayan para sa deklarasyon ng karapatan (bill of rights) ng Konstitusyon ng Estados Unidos.May apat na kampus ang Mason sa Virginia, na may ikalimang kampus sa Songdo, South Korea .
Ang unibersidad ay inuri bilang "R1: Doctoral Universities - Very high research activity". Dalawang beses nanalo ang kaguruan ng Mason sa Nobel Memorial Prize sa Economics.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Mason Spirit, Published by the Office of University Development and Alumni Affairs in conjunction with the Office of University Relations. Kearney Rich, Colleen. "From the Archives: What's in a Name?" Original: Mason Spirit. Winter. 2006. Web: http://spirit.gmu.edu/2012/04/from-the-archives-whats-in-a-name/
38°49′51″N 77°18′27″W / 38.8308°N 77.3075°W Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.