Pumunta sa nilalaman

Pamantasang Ibero-Amerikano

Mga koordinado: 19°22′16″N 99°15′49″W / 19.3711°N 99.2636°W / 19.3711; -99.2636
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pangunahing parisukat ng unibersidad
Biblioteca Francisco Xavier Clavigero

Ang Pamantasang Ibero-Amerikano (Ingles: Ibero-American University, Español: Universidad Iberoamericana, UIA, ngunit higit na kilala bilang Ibero) ay isa sa mga pinakaprestihiyosong unibersidad sa Mehiko at sa Amerikang Latino. Ang pribadong institusyong ay iniisponsor ng Kapisanan ni Hesus (mga Heswita), at kinikilala sa pagkakaroon ng isang internasyonal na reputasyon. Noong 2009, natanggap ng UIA ang Premyong SEP-ANUIES Prize bilang ang pinakamahusay na pribadong unibersidad sa Mehiko. Ang pangunahing kampus ng unibersidad ay matatagpuan sa distrito ng Santa Fe sa Lungsod ng Mehiko, at may mga kaakibat (ngunit indipendiyenteng) paaralang matatagpuan sa mga lungsod ng Guadalajara, León, Torreón, Puebla, at Playas de Tijuana. Ang mga paaralang ito, kasama ng Ibero sa Lungsod ng Mehiko, ay bumubuo sa sistemang unibersidad na Heswita.

Ang pangunahing aklatan ng unibersidad, ang Biblioteca Francisco Xavier Clavigero, ay isa sa pinakamalaking aklatan sa Mehiko.

19°22′16″N 99°15′49″W / 19.3711°N 99.2636°W / 19.3711; -99.2636 Edukasyon Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.