Pamantasang La Trobe
Ang Pamantasang La Trobe (Ingles: La Trobe University) ay isang pampubliko at multi-kampus na unibersidad sa pananaliksik na may pangunahing kampus sa Bundoora, isang suburbiyo ng Melbourne, Australia. Ang unibersidad ay itinatag noong 1964, kaya't ito ang pangatlong itinatag sa estado ng Victoria at ang ikalabindalawa sa Australia. Ang La Trobe ay miyembro ng Innovative Research Universities na samahan ng mga komprehensibong pamantasan sa bansa.
Ang unibersidad ay may dalawang mas maliit na panrehiyong kampus sa Mildura at Shepparton at tatlong sa central business districts ng Australia: dalawa sa Melbourne sa Franklin Street at Collins Street at isa sa Elizabeth Street sa Sydney.
37°43′18″S 145°02′52″E / 37.72179°S 145.047909°E Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.