Pamantasang Northwestern (Estados Unidos)
Ang Pamantasang Northwestern (Ingles: Northwestern University o NU) ay isang pribadong unibersidad sa pananaliksik na nakabase sa Evanston, Illinois, na may iba pang mga campus na matatagpuan sa Chicago at Doha, Qatar, at may mga akademikong programa at pasilidad sa Washington, D.C., at San Francisco, California.
Noong 2017, ang unibersidad ay tumanggap ng 9.0% ng mga aplikante sa undergraduate mula sa bilang na 37,255. Bukod sa mga selektibong programang undergraduate, kilala rin ang unibersidad sa Kellogg School of Management, Pritzker School of Law, Feinberg School of Medicine, at Medill School of Journalism. Ang Nrthwestern ay isang malaking research university na may isang komprehensibong programang doktoral at umaakit ng higit sa $650 milyon kada taon sa nakaisponsor na pananaliksik. Ang Northwestern ang ikasampung may pinakamalaking kaloob sa mga unibersidad sa Estados Unidos, na sa kasalukuyan ay nagkakahalaga ng $9.648 bilyon.
Ang mga alumno at guro ng Nothwestern ay kinabibilangan ng 11 Nobel Prize laureates, 38 Pulitzer Prize winners, 6 MacArthur Genius Fellows, 16 Rhodes Scholars, 65 kasapi ng American Academy of Arts and Sciences at dalawang hukom ng Korte Suprema ng Estados Unidos. Nagmula sa Paaralan ng Komunikasyon ang maraming nagwagi ng Academy Award at Tony Award na mga aktor, aktres, mandudula, manunulat, at direktor.
42°03′17″N 87°40′26″W / 42.054853°N 87.673945°W Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.