Pamantasang Paris Descartes
Ang Pamantasang Paris Descartes (Ingles: Paris Descartes University, Pranses: Université Paris 5 René Descartes), na kilala rin bilang Paris V, ay isang dating pampublikong unibersidad sa pananaliksik na matatagpuan sa Paris, Pransiya.
Ito ay isa sa kahaliling institusyon ng Unibersidad ng Paris (ang Sorbonne), na tumigil sa pag-iral noong 1970. Ito ay miyembro ng grupong Université Sorbonne Paris Cité (USPC).
Ito ay itinatag bilang isang multidisiplinaryong unibersidad "ng humanidades at mga agham pangkalusugan" ("des Sciences de l ' Homme et de la Santé"). Ito ay nakapokus sa mga larangan agham medikal, agham biyomedikal, batas, agham pangkompyuter, ekonomiks at sikolohiya.[1]
Ang pangunahing kampus nito ay sa makasaysayang École de Chirurgie sa ika-6 na arrondissement ng Paris.
Galeriya
[baguhin | baguhin ang wikitext]-
Ang makasaysayang École de Chirurgie, ngayon ay ang punong-himpilan ng unibersidad
-
Harapan ng sikat na teatro ng anatomiya sa École de Chirurgie
-
Paris Descartes Medecine sa Saint-Germain
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.