Pamantasang Pompeu Fabra
Ang Pamantasang Pompeu Fabra (Ingles: Pompeu Fabra University, Catalan: Universitat Pompeu Fabra, binibigkas na [uniβərsiˈtat pumˈpɛw ˈfaβɾə]; UPF) ay isang pampublikong unibersidad sa Barcelona, Espanya. Ang Universitat Pompeu Fabra ay kinikilala bilang isang tanyag na pamantasang Katalan at Espanyol, na nilikha sa pamamagitan ng nagsasariling Pamahalaan ng Catalonia noong 1990, ipinangalan sa dalubwikang si Pompeu Fabra, isang dalubhasa sa wikang Catalan, siya ang nagbigay ng istandard sa noo'y hindi na halos ginagamit na wika at nagrebisa rito.
Noong 2010, ang Unibersidad ay iginawaran ng pagkilalang Campus of International Excellence.
41°22′45″N 2°10′46″E / 41.3792°N 2.1795°E Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.