Pamantasang Simón Bolívar (Venezuela)

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Laberinto Cromovegetal (1995) ni Carlos Cruz-Diez, isang ikonikong gawa sa paghahardin

Ang Pamantasang Simón Bolívar (Ingles: Simón Bolívar University, Español: Universidad Simón Bolívar, USB), ay isang pampublikong institusyon na matatagpuan sa bayan ng Baruta, sa estado ng Miranda, Venezuela, sa loob ng metropolis ng Caracas. Meron itong oryentasyon sa agham at teknolohiya. Ang Simón Bolívar ay ang pinakaprestihiyosong unibersidad sa agham at teknolohiya sa bansa at isa sa mga pinakamahalaga sa Timog Amerika. Ito ay isang selektibong unibersidad na tumatanggap lamang ng pasok sa 95 porcentile sa eksamen.

Espejo Solar ni Alejandro Otero, na matatagpuan sa laguna de los espejos