Pamantasang Sungkyunkwan
Ang Pamantasang Sungkyunkwan (Ingles: Sungkyunkwan University, SKKU o Seongdae, Koreano: 성균관대학교; hanja: 成均館大學校) ay isang pribadong unibersidad sa pananaliksik na may mga kampus sa Seoul at Suwon. Orihinal itong itinatag noong 1398 ng Dinastiyang Joseon Dynasty na matatagpuan sa sentro ng gitnang Seoul. Ito ay awtorisado bilang Sungkyunkwan, ang nangunguna institusyong pang-edukasyon ng Joseon, sa pamamagitan ng isang kodigo pangangasiwaang pang-estado na tumutukoy sa isang pahintulot ng hari.
Ngayon, ang unibersidad ay may dalawang kampus: ang kampus ng humanidades at agham panlipunan sa Seoul, at ang mga kampus ng likas na agham sa Suwon. Labindalawang (12) paaralan at apat na kolehiyo ang naghahandog ng mga digri sa antas batsilyer, habang 12 paaralang gradwado ang naggagawad ng mga digri sa antas masteral at doktoral. Ang SKKU ang nag-alok sa Korea ng kauna-unahang programang Global MBA. Ang SKKI din ay merong mga dual degree mga programa kasama ang mga kilalang unibersidad sa mundo. Ang SKKU din ay nagmamay-ari ng isa sa mga pinakakilalang paaralang medikal sa bansa, na konektado sa tanyag na Samsung Medical Center.
37°35′14″N 126°59′39″E / 37.587222222222°N 126.99416666667°E Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.