Pambansang Liwasang Ilog sa Ilalim ng Lupa ng Puerto Princesa
Nangangailangan ang artikulo o seksiyon na ito ng pagwawasto sa balarila, estilo, pagkakaisa, tono o baybay. |
Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO | |
---|---|
Pamantayan | Natural: vii, x |
Sanggunian | 652 |
Inscription | 1999 (23rd sesyon) |
Ang Pambansang Liwasang Ilog na nasa Ilalim ng Lupa ng Puerto Princesa, Pambansang Liwasang Ilog sa Ilalim ng Lupa ng Puerto Princesa o Pambansang Liwasang Subteranyong Ilog ng Puerto Princesa (Ingles: Puerto Princesa Subterranean River National Park) ay isang pambansang liwasan sa Puerto Princesa, sa Palawan, Pilipinas. Matatagpuan ito sa 50 kilometro hilaga ng lungsod ng Puerto Princesa. Matatagpuan ang pambansang liwasang ito sa Bulubundukin ng San Pablo (Saint Paul Mountain Range) na nasa hilagang baybayin ng pulo. Nahahangganan ito ng Look ng San Pablo (St. Paul Bay) sa hilaga at ng Ilog ng Babuyan sa silangan. Ang pamahalaang panglungsod ng Puerto Princesa ang namamahala sa pambansan liwasan simula pa noong 1992. Kilala rin ang Pambansang Liwasang Subteranyong Ilog ng Puerto Princesa bilang Ilog ng San Pablong Nasa Ilalim ng Lupa (St. Paul Underground River). Makikita ang pasukan patungo sa ilog na nasa ilalim ng lupa sa isang bayang mula sa Sabang.
Heograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang liwasan ay binubuo ng limestone karst na bulubunduking tanawin at 8.2 kilometrong ilog na nasa ilalim ng lupa na maaring lakbayan. Ang ilog ay dumadaloy sa loob ng kuweba bago ito pumupunta sa Timog Dagat Tsina. Mayroon din itong mga stalactite at mga stalagmite, at iba't ibang malalaking silid. Ang mababang bahagi ng ilog ay naapektuhan ng mga tide. Bago nadiskubre noong 2007 ang ilog na nasa ilalim ng lupa sa Tangway ng Yucatan ng Mehiko[1], ang ilog na nasa ilalim ng lupa ng Puerto Princesa ay sinasabing pinakamahaba sa Pilipinas.
Nandirito din ang mga mahahalgang habitat para sa Konserbasyon ng biodiversidad. Ang pook na ito ay mayroong ekosistem mula sa bundok patungo sa dagat at mayroong mga gubat na napapabilang sa mga mahahalaga sa buong Asya.
Indineklara ng UNESCO bilang Pook na Pamanang Pandaigdig ito noong 4 Disyembre 1999.
Flora
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang liwasan ay mayroon walo sa labing tatlong uri ng gubat na makikita sa tropikal na Asya. Ito ay ang gubat na nasa ultramafic na lupa, gubat na nasa limestone na lupa, gubat na montane, pantubig-tabang na latiang gubat, mababang lupang evergreen na tropikal na rainforest, gubat na riverine, pambaybaying gubat, at gubat ng mangrove. Ang mga mananaliksik ay nakakita ng higit sa 800 uri ng halaman na galing sa 300 na sari at 100 na pamilya. Kasama dito ang 295 na puno na binbubuo ng mga dipterocarp na uri. Sa mababang parte ng gubat matatagpuan ang Dao (Dracontomelon dao), Ipil (Instia bijuga), Dita (Alstonia scholaris), Amugis (Koordersiodendrum pinnatum), at Apitong (Dipterocarpus gracilis). Ang pambaybayin na gubatay may mga uri tulad ng Bitaog (Calophyllum inophyllum), Pongamia pinnata, at Erynthia orientalis. Makikita din ang mga uri ng Almaciga (Agathis philippinensis), Kamagong (Diospyros pulganensis) Pandan (Pandanus sp.) Anibong, at Rattan ('Calamus sp.)
Fauna
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga ibon ang pinakamalaking grupo ng vertebratesa liwasan. Sa 252 na uri ng ibon sa Palawan, 165 dito ay makikita s liwasan. Nadirito ang 67% ng mga ibon at ang 15 endemikonh ibon ng Palawan. Makikita ang mga ibon na (Tanygnathus lucionensis), (Megapodius cumunigii), (Gracula religiosa), (Anthracoceros marchei), (Halitutus leucogates ). May 30 uri ng mgamammal na nasa liwasan (Madulid, 1998). Makikita sa tuktok ng gubat at sa dalampasigan ang unggoy na (Macaca fascicularis). Ito lang ang primate na makikita sa lugar na ito. Nandirito rin ang (Sus barbatus), (Arctictis binturong), (Mydaus marchei) at (Hystrix pumilus). 19 uri ng reptile ay makikita sa liwasan, 8 dito ay endemiko(Madulid, 1998). Ang mga malalaking predator na pangkaraniwang makikita sa liwasan ay ang sawa (Phython reticulatus), bayawak (Varanus salvator) at ang butiking (Bronchocoela cristatella). Makikita rin dito ang 10 uri ng amphibian. Ang palakang (Rana acanthi) ay pangkaraniwang makikita. Ang uring Barbourula busuangensis na endemiko sa Palawan ay makikita din sa lugar na ito. Makikita rin sa kuweba ang 9 na uri ng paniki, 2 uri ng swiftlet at latigong gagamba (Stygophrynus sp.). Ang Dugong (Dugong dugon) at Pawikan (Chelonia mydas) ay makikitang kumakain sa baybayin ng liwasan.
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Roach, John (Marso 5, 2007). "World's Longest Underground River Discovered in Mexico, Divers Say" (sa wikang Ingles). National Geographic Society. Nakuha noong 2008-09-05.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)