Pumunta sa nilalaman

Pambansang Unibersidad ng Fiji

Mga koordinado: 18°08′30″S 178°26′31″E / 18.1416°S 178.4419°E / -18.1416; 178.4419
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang kampus ng unibersidad

Ang Pambansang Unibersidad ng Fiji (Ingles: Fiji National University, FNU) ay nabuo noong 2010 bilang resulta ng pagsama-sama ng anim na mga institusyon sa Fiji, kabilang ang Fiji Institute of Technology, Fiji School of Nursing, Fiji College of Advanced Education, Lautoka Teachers College, Fiji School of Medicine at Fiji College of Agriculture.

Ang FNU ngayon ay mga kampus at sentro sa 33 lokasyon sa buong bansa, na nagpapatakbo ng humigit-kumulang 30 iba't ibang mga kurso at programa. Meron itong 1800 kabuuang kawani noong 2012, at humigit-kumulang 20,000 mag-aaral.

Kahit na ito ay pormal na itinatag noong 2010, ang unibersidad ay may mahabang kasaysayan ng pagbibigay-edukasyon na mauugat sa kasaysayan ng mga miyembrong Kolehiyo, sa pamamagitan ng institusyon na itinatag ayon sa pambansang mga pangangailangan at hinahangad.

18°08′30″S 178°26′31″E / 18.1416°S 178.4419°E / -18.1416; 178.4419 Edukasyon Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.