Pambansang Unibersidad ng Mongolia
Ang Pambansang Unibersidad ng Mongolia (Monggol:Монгол Улсын Их Сургууль, Mongol Ulsyn Ikh Surguuli, dinaglat na NUM o MUIS; Ingles: National University of Mongolia) ay ang pinakamatandang unibersidad sa Mongolia. Ang pampublikong unibersidad na ito ay binubuo ng labindalawang mga paaralan at fakultad sa Ulan Bator, at nagpapatakbo ng mga sangay na kampus sa Zavkhan at Orkhon Aimags. Humigit-kumulang sangkatlo ng mga edukadong Mongolian ay nagtapos sa NUM.
Noong 1942, itinatag ng pamahalaan ng Mongolia ang una nitong unibersidad, ang Pambansang Unibersidad ng Mongolia, at nagtapos ang mga unang mag-aaral noong 1946. Sa panahon ng sosyalismo, ang Unibersidad ay nagsilbi bilang sentro ng pagsasanay para sa mga elit ng partido. Ang edukasyon dito ay tinustusan at mahigpit na kinontrol ng estado. Pagkatapos ng demokratisasyon, dahan-dahan itong nagbago bilang isang modernong unibersidad. Simula 1995, nagsimula itong mag-alok ng mga programa sa antas batsilyer, master, at PhD.
Noong 2006, mayroong 12,000 mag-aaral na nakatala, kabilang ang mga 2,000 mag-aaral sa antas gradwado. Ang university ay nag-aalok ng higit sa 80 undergraduate at graduate programs, karamihan sa mga ito ay tinuturo sa wikang Monggol.
Mga paaralan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Paaralan ng Negosyo
- Paaralan ng Pandaigdigang Ugnayan at Pampublikong Administrasyon
- Paaralan ng Batas
- Paaralan ng Inhinyeriya at Gamiting Agham
- Paaralan ng mga Sining at Agham
- Paaralan ng mga Banyagang Wika sa Lalawigan ng Orkhon
- Kolehiyo ng Ekonomika sa Lalawigan ng Zavkhan
47°55′22″N 106°55′09″E / 47.9228°N 106.9192°E
Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.