Pambansang Unibersidad ng Samoa
Ang Pambansang Unibersidad ng Samoa (Ingles: National University ng Samoa; Samoano: Le Iunivesite Aoao o Samoa) ay ang tanging pambansang unibersidad sa Samoa. Itinatag noong 1984 sa pamamagitan ng isang batas ng parlamento, ang unibersidad ay koedukasyonal at nag-aalok ng mga programang sertipiko, diploma, at undergraduate na digri, pati na rin ng mga teknikal at bokasyonal na pagsasanay. Halos 2,000 mag-aaral ang kasalukuyang nakaenrol (2010) sa unibersidad habang may tinatayang 300 kawani. Ito ay nag-aalok ng malawak na hanay ng mga programa sa Sining, Negosyo, Edukasyon, Agham, Pagnanars, Inhinyeriya at Pagsasanay Marino. Ang Sentro para sa Pag-aaral Samoano, na itinatag sa loob ng unibersidad para sa pagtuturo ng wika at kulturang Samoano, ay nag-aalok ng digring undergraduate at gradwado, pati na rin ang nag-iisang programa sa mundong, Master of Samoan Studies.
13°51′04″S 171°45′01″W / 13.850987°S 171.750331°W Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.