Pambansang Unibersidad ng Seoul

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Ang bagong gusali ng Museum of Art
Gusaling editoryal ng pahayagang pangmag-aaral

Ang Pambansang Unibersidad ng Seoul (SNU; Koreano, 서울대학교, Seoul Daehakgyo, colloquially Seouldae; Ingles: Seoul National University) ay isang pambansang unibersidad sa pananaliksik na matatagpuan sa Seoul, kabisera ng Korea. Simula nang itatag ito noong 1946, ang Unibersidad ay kinilala bilang ang pinakaprestihiyosong unibersidad sa buong bansa.[1]

Ito ay matatagpuan sa tatlong mga kampus: main campus sa Gwanak at dalawang karagdagang mgka ampus sa Daehangno at Pyeongchang. Ang unibersidad ay binubuo ng labing-anim na kolehiyo, isang paaralang gradwado, at siyam na propesyonal na paaralan. Ang mga mag-aaaral ay binubuo ng halos 17,000 undergraduate at 11,000 graduate students. Ayon sa datos na nakolekta sa pamamagitan ng KEDI, ang unibersidad ay tumutustos ng higit sa kanyang mga mag-aaral kada kapita kaysa sa anumang unibersidad sa bansa na merong 10,000 at higit pang mga mag-aaral.[2]

Ang SNU ay pumirma ng memorandum of understanding (MOU) sa halos 700 akademikong institusyon sa 40 bansa,[3]  sa World Bank,[4] at isang pangkalahatang academic exchange program kasama ang Unibersidad ng Pennsylvania.[5] Ang Graduate School of Business nag-aalok ng dual master's degree kasama ang Unibersidad ng Duke sa Estados Unidos, ESSEC Business School, at Unibersidad ng Peking, double-degrees kasama ang MIT Sloan School of Management at Yale School of Management,[6] at MBA-, MS, at PhD candidate exchange programs kasama ang mga unibersidad sa sampung bansa sa apat na kontinente.[7] Ang bilang ng university international faculty ay 242 o 4% ng kabuuang kaguruan.[8] Ang nagwagi ng Nobel na si Paul Crutzen at mga Fields Medal na si Hironaka Heisuke ay nasay ng fakultad ng unibersidad.[9]

Mga tala at mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Handbook of Comparative Higher Education Law. Hinango noong 15 Hulyo 2015.
  2. "Best Investment to SNU Students". Useoul.edu. 2010-01-03. Hinango noong 2011-02-20.
  3. "SNU in the World: International partnerships". USeoul.edu Website. Hinango noong 2011-04-17.
  4. Oh, Jung-eun (9 May 2013). "SNU and World Bank Sign MOU – A Cooperation Between Two Giants". USeoul.edu. Seoul National University. Hinango noong 18 Mayo 2013.
  5. "Academic Exchange Agreement Concluded with the University of Pennsylvania". USeoul.edu Website. Hinango noong 2011-07-05.
  6. "Media Coverage April 25, 2012". USeoul.edu Website. Hinango noong 2012-05-07.
  7. "Partner Schools for Exchange Student Program". USeoul.edu Website. Hinango noong 2011-04-22.
  8. "Faculty listing as of 1 April 2010". USeoul.edu Website. Hinango noong 2011-12-02.
  9. Choi, Naeun (2008-11-10). "Nobel Prize Winner Paul Crutzen Appointed as SNU Professor". Useoul.edu. Hinango noong 2009-05-14.