Pampamahalaang Unibersidad ng Tarlac
Tarlac State University | |
---|---|
Pambansang Pamantasan ng Tarlac | |
Itinatag noong | 1906[1] |
Uri | Pampublikong pamantasan |
Pangulo | Myrna Q. Mallari[2] |
Tagapangulo | Ruperto S. Sangalang[2] |
Academikong kawani | 255 tagapagturo[3] |
Administratibong kawani | 108 tagapamahala, 806 tauhan[3] |
Mag-aaral | 16,000 (2014)[4] |
Lokasyon | , 15°29′6″N 120°35′15″E / 15.48500°N 120.58750°E |
Kampus | Main Kampus Lucinda Kampus San Isidro Kampus |
Pahayagan | The Work |
Kulay | Marun at Ginto |
Palayaw | TSU Firefox |
Apilasyon | PASUC AUAP AUF PSC SCUAA |
Websayt | tsu.edu.ph |
Ang Pampamahalaang Unibersidad ng Tarlac (Ingles: Tarlac State University, dinadaglat bilang TSU) ay isang pampublikong pamantasan sa Lungsod ng Tarlac, Pilipinas. Ito ay itinatag noong 1906 bilang isang paaralang pangkalakalan at naging isang ganap na pamantasan noong 13 Oktubre 1989 sa bisa ng Batas Republika Blg. 6764.
Ito ay kinikilala bilang pangunahing institusyon ng edukasyong tersiyaryo sa buong lalawigan ng Tarlac. Pinagkalooban ito ng Lebel 3-A na akreditasyon ng Komisyon sa Mas Mataas na Edukasyon at ng Kagawaran ng Pagbabadyet at Pamamahala dahil sa pagkakaroon nito ng mahusay na instruksiyon, aktibong paglahok sa mga programang pananaliksik at sa serbisyo nito sa komunidad.
Ang pamantasan ay may mandato na magbigay ng instruksiyon sa larangan ng literatura, pilosopiya, agham, at sining sa mataas na pamantayan.
Kampus
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang unibersidad ay may tatlong kampus sa lungsod at isang pang-internasyunal na kampus sa Hong Kong.
Ang Main (o pangunahing) Kampus nito ay matatagpuan sa Brgy. San Roque at ito ay may lawak na 1.2 hektarya. Anim sa mga kolehiyong inilalaan ng pamantasan (Kolehiyo ng Inhinyeriya, Sining at Agham Panlipunan, Abogasya, Pampublikong Administrasyon, atbp.) ay matatagpuan sa kampus na ito.
Ang Lucinda Kampus naman ay may lawak na sampong hektarya na matatagpuan sa Brgy. Binauganan, tatlong kilometro ang layo mula sa Main Kampus. Ang Kolehiyo ng Edukasyon at Kolehiyo ng Agham ay nasa kampus na ito.
Ang San Isidro Kampus naman ay nasa Brgy. San Isidro na may layong halos dalawang kilometro mula sa Main Kampus. Ito ay may lawak na walong hektarya. Narito naman ang Kolehiyo ng Teknolohiya at Kolehiyo ng Arkitektura at Sining.
Administrasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Pambansang Pamantasan ng Tarlac ay pinamamahalaan ng labing-dalawang miyembro ng Board of Regents nito. Ang kasalukuyang tagapangulo ay si Dr. Ruperto Sangalang, isang komisyonado ng CHED. Ang ibang miyembro ay itinalaga ng pamahalaan, mga presidente ng matataas na organisasyon sa unibersidad, at mga kinatawan ng pampribadong sektor.
Ang kabuuan ng unibersidad ay kasalukuyang pinamumunuan ni Dr. Myrna Q. Mallari, at tinutulungan ng apat na bise-presidente para sa academic affairs, finance and administration, research, extension and development, at student affairs.
Ang mga naitalagang opisyal ay may kapangyarihang mag-atas ng mga patakaran para sa pamantasan na naaayon sa batas.
Ang mga naging taga-pamuno ng unibersidad ay sina:
- Dr. Mario Manese 1965-1972
- Prof. Jack Smith (1972-1984)
- Dr. Ernesto Cosme (1984-1990)
- Dr. Alejandro Fernandez (1990-1994)
- Dr. Rodolfo Baking (1994-1996)
- Dr. Dolores G. Matias (1998-2006)
- Dr. Priscilla C. Viuya (2006-2014)
- Dr. Myrna Q. Mallari (2014-kasalukuyan)
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Tarlac State University History" (PDF). Tarlac State University Official Website. Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong 4 Pebrero 2016. Nakuha noong 10 Agosto 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 4 February 2016[Date mismatch] sa Wayback Machine. - ↑ 2.0 2.1 "University Administration" [Officials]. Tarlac State University Official Website. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 19 Disyembre 2015. Nakuha noong 10 Agosto 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 19 December 2015[Date mismatch] sa Wayback Machine. - ↑ 3.0 3.1 "University Profile". Tarlac State University Official Website. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 3 Hulyo 2015. Nakuha noong 17 Agosto 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 3 July 2015[Date mismatch] sa Wayback Machine. - ↑ "TSU population" [Total enrollment(2013/14)]. finduniversity.ph. Nakuha noong 17 Agosto 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Opisyal na Websayt Naka-arkibo 2015-12-03 sa Wayback Machine.
- Kagawaran ng Pag-aaral sa Tarlaqueño
- Aklatan ng Unibersidad Naka-arkibo 2015-12-06 sa Wayback Machine.