Panaderya
Ang panaderya o tinapayan ay establisimyento na gumagawa at nagbebenta ng mga pagkaing batay sa harina na hinurno sa pugon kagaya ng tinapay, biskwit, keyk, donat, pastelerya, at pie.[1] Kinakategorya rin ang ibang panaderyang tingian bilang mga kapihan, na naghahain ng kape at tsaa sa mga mamimiling gustong kumain ng mga bineyk o hinurno na kalakal sa lugar. Ginagawa rin ang mga kinendi sa karamihan ng mga panaderya sa buong mundo.
Mga espesyalidad
[baguhin | baguhin ang wikitext]May ilang mga panaderya ang nagbibigay ng mga serbisyo para sa mga natatanging okasyon (tulad ng kasalan, anibersaryo, piging ng kaarawan, kaganapang pagne-network sa negosyo, atbp.) o pasadyang hinurnong produkto para sa mga taong may alerhiya o sensitibo sa ilang pagkain (tulad ng nuwes, mani, produktong gawa sa gatas, o gluten, atbp.). Maaring magbigay din ang mga tinapayan ng iba't ibag uri ng disenyo ng keyk tulad ng patong-patong na keyk, keyk sa kasalan, atbp. May mga espesyalisasyon din ang ibang tinapayan sa mga tradisyunal o gawang-kamay na mga produktong hinurno na gawa sa lokal na minolinong arina, na walang pampaputi o ibang kimikal, na ang paghuhurno na ito ay tinatawag minsan na tinapay na artesano.[1]