Panday Pira
Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
Ayon sa kasaysayan, si Panday Pira ay ipinanganak noong 1488. Walang nakakatitiyak ng eksaktong petsa ng kanyang kapanganakan maliban sa lugar na kanyang pinagmulan, bandang timog ng Luzon.
Ang pamilya ni Panday Pira at sampu ng kanyang kamag-anakan ay nanirahan sa Pampanga. Dito niya tinuruan ang kanyang mga anak na lalaki pati na ang mga kabataang kapampangan sa paggawa ng mga kagamitan at sandatang yari sa bakal o metal. Ang kanulang mga likha ay kilala sa husay at tibay kaya't ang mga ito ay nakilala sa buong Luzon.
Noong Hulyo 1572 ay tinanggap ni Panday Pira ang alok ni Miguel Lopez de Legazpi na magtayo ng pagawaan ng kanyon sa Santa Ana, Maynila na dati kilala sa tawag na Lamayan. Dito ay puspusan ang paggawa nila ng mga sandata para sa puwersa ng mga Kastila.
Sa pagkamatay ni Legazpi noong Agosto 20, 1572, ipinagpatuloy ni Panday Pira ang paggawa ng mga sandata para sa mga Kastila hanggang sa siya ay binawian ng buhay noong taong 1576 sa edad na 88. Ang kanyang pagkamatay ay isang malaking kawalan sa puwersa ng mga Kastila sapagkat walang makalikha ng sandatang kanyang dinibuho. Maging ang kanyang mga anak ay hindi ito matularan.
Ang kontribusyon ni Panday Pira sa paglikha ng sandata ay malaking tulong sa puwersa ng Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga Kastila.
Mga Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Jagor, Fedor. The Former Philippines thru Foreign Eyes. Nakuha noong ika-8 ng Setyembre 2009.
- "Panday Pira" (PDF). Isinipi mula sa orihinal (PDF) noong ika-21 ng Hulyo, 2011. Nakuha noong ika-7 ng Setyembre, 2009.
- de Morga, Antonio. "History of the Philippine Islands". Isinipi mula sa orihinal noong ika-8 ng Hunyo, 2009. Nakuha noong ika-13 ng Setyembre, 2009.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.