Pumunta sa nilalaman

Simbahan ng Pakil

Mga koordinado: 14°22′51″N 121°28′44″E / 14.380826°N 121.478914°E / 14.380826; 121.478914
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pakil Church
Simbahan ng Parokya ni San Pedro de Alcantara
Pangdiyosesis na Dambana ng Nuestra Señora de los Dolores de Turumba
Ang tahanan ng Birhen ng Turumba
Pakil Church is located in Pilipinas
Pakil Church
Pakil Church
Republika ng Pilipinas
14°22′51″N 121°28′44″E / 14.380826°N 121.478914°E / 14.380826; 121.478914
LokasyonPakil, Laguna
BansaPilipinas
DenominasyonRomano Katoliko
Kasaysayan
Itinatag1676
NagtatagSan Pedro Bautista
DedikasyonSan Pedro ng Alcantara
Consecrated1581
Arkitektura
EstadoPangdiyosesis na Dambana at Parokya
Katayuang gumaganaAktibo
Uri ng arkitekturaGusaling pansimbahan
IstiloCorinthian and Ionic
Pasinaya sa pagpapatayo1732
Natapos1767
Detalye
Haba162 tal (49 m)
Lapad36 tal (11 m)
Number of domesisa
Materyal na ginamitBuhangin, graba, semento at ladrilyo
Pamamahala
ArkidiyosesisMaynila
DiyosesisSan Pablo
Lalawigang eklesyastikalManila
Klero
ArsobispoLuis Antonio Tagle
ObispoBuenaventura M. Famadico
(Mga) PariJerry Oblepias

Ang Simbahan ng Parokya ni San Pedro Alcantara (Ingles: Saint Peter of Alcantara Parish Church), tinalaga bilang Pang-diyosesis na Dambana ng Nuestra Señora de los Dolores de Turumba, ay isang simbahang Katoliko Romano sa Pakil, Laguna, Pilipinas. Nakadambana rito ang larawan ng Birhen ng Turumba. Ang kasalukuyang kura paroko ay si Reberendo Padre Jerry Oblepias.[1]

Ang unang Katolikong pamayanan ng Pakil ay tinatag ni Padre Pedro Bautista (kalaunan ay kinanonisa bilang San Pedro de Bautista) bilang isang visita ng Paete noong 1588. Inihiwalay ito sa Paete noong 1676.[2] Naging unang kura paroko si Padre Francisco de Barajas, isang pari mula sa Simbahan ng Santa Ana de Sapa sa Maynila noong Mayo 12, 1676.[3] Ang unang simbahan ay gawa sa kawayan, sasa, at iba pang magagaan na kagamitan, ng mga nagkusang-loob na mamamayan sa pamimintuho ni San Pedro ng Alcantara.

Taong 1684, pinahintulutan ng pamahalaan, sa pamamagitan ni Gobernador-Heneral Gabriel Curuscalegui, ang pangongolekta ng tributo sa loob ng limang taon para sa pagpapagawa ng simbahang gawa sa bato.[4] Sinimulang itinayo ang pundasyon ng simbahan noong 1732 sa termino ni Padre Fernando Haro, ngunit nasunog ito noong 1739. Muli itong sinimulan at ang pagpapatayo ng simbahan ay natapos noong 1767 kasama ang pagdaragdag ng kampanaryo noong 1777. Ang imahen ng Birhen ng Turumba ay inihayag noong 1788. Taong 1840, ipinasaayos ni Padre Joaquin de Coria ang simbahan, ngunit isang sunog na kinasira ng halos buong bayan at ng simbahan noong 1851 ang naging dahilan upang muling ipasaayos ni Padre Juan de Llanera ang simbahan ng sumunod na taon. Muling pinasaayos ni Padre Juan de Dios de Villayos ang bubong ng simbahan at kampanaryo matapos itong masira ng lindol noong 1881, at ni Padre Paulino Camba ang simbahan noong 1883. Nasira ng lindol noong 1937, muling pinasaayos ni Padre Federico Diaz Pines ang simbahan sa tulong ng Kapisanan ng Nagkakaisang Katoliko. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nasira ang simbahan at muling pinasaayos. Isang pangunahing pagsasaayos ang ginawa mula 1980 hanggang 1984, nang isang palapag ng kampanaryo ang muling itinayo, at ang kisame ay kinumpuni sa pangunguna ng Pamparokyang Konseho ng mga Layko.[5]

Pagkakaugnay sa St. Mary Major sa Roma

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kinumpirma ng chancery ng Diyosesis ng San Pablo na nakatanggap ang diyosesis ng isang sulat mula kay Cardinal Santos Abril, Archpriest ng Basilica ng St. Mary Major sa Roma. Ang sulat ay naglalahad ng Spiritual Bond of Affinity sa pagitan ng basilica at ang simbahan ng Pakil.[6]

Ang simbahan ay bumubuo ng isang cruciform at may sukat na 162 by 36 talampakan (49 by 11 m). Ito ay itinayo ayon sa arkitektural na ayos ng Corinto at Ionic.[7] Ang patsada ay may klasikong haliging Corinto at cornices sa kabuuan ng isang floral stone relief.[8] Ang gilid na patsada ng simbahan ay may detalyadong disenyo na karaniwan sa mga simbahan sa Laguna. Sa isang bahagi ng patsada ay isang kampanaryong may apat na maliit na kampana at isang malaking kampana.[9]

Ang santuwaryo ng Simbahan ng Pakil

Ang pangunahing retablo ay pinunturahan ng puti at may 14 na panteon ng mga santong nakalagay sa nitsong may detalyadong disenyo kasama ang rebulto ni Arkanghel Gabriel sa pinakamataas na bahagi. May dalawang maliit na retablo sa magkabilang gilid. Ipinatayo ni Padre Ronald Reagan ang isang altar na gawa sa marmol na kinonsagrahan ni Arsobispo Alejandro Olalia noong 1959 kung saan nakalagak ang imahen ng Nuestra Señora de los Dolores. Isang pulpito at malaking pintang naglalarawan ng konsepto ng Langit, Lupa, Impiyerno, at Judicium Finale (Huling Paghuhukom) na ginawa ni Jose Dans, isang pintor noong ika-19 na siglo mula sa Paete, ang makikita rin sa simbahan. Makikita sa maliit na retablo malapit sa pasukan ng simbahan ang isang imahen ng nakapakong Kristo na sinlaki ng tao. Ang istasyon ng krus ng simbahan ay gawa ng mga lokal na artist.[10]

Makikita sa loob ng simbahan ang mga orihinal na  imahen at gamit ng simbahan. Karugtong ng simbahan ang isang kumbento, sakristiya, adoration chapel, at  isang museo sa karangalan ng Birhen ng Turumba. Ang museo ay naglalaman ng mga damit, pabango, alahas, at iba pang mga makasaysayang alaala. Ang orihinal kuwadradong larawan sa oleo, na natagpuan ng mga mangingisda, ay maaari ring matagpuan sa loob ng kapilya.[11]

Ang Birhen ng Turumba

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Orihinal na Larawan ng Birhen ng Turumba

Ang Nuestra Señora de los Dolores de Turumba ay isang 9 by 11 pulgada (230 by 280 mm) pinta sa oleo at canvas ng Birheng Maria.[12] Ito ay isang replica ng Nuestra Señora de las Antiguas, na natagpuan ng mga mangingisda noong Setyembre 15, 1788 pagkatapos ng isang bagyo. Ito ay natagpuang lumulutang sa Laguna de Bay at sa gilid ng Matamig River na siyang nagsimula ng debosyon sa Birhen ng Turumba sa simbahan. Ang Turumba Festival sa karangalan ng Birhen ng Pighati ay ang "pinakamalaki at pinakamahabang relihiyosong pagdiriwang sa bansa". Ito ay binubuo ng pitong Turumba novenas, o lupi, sa loob ng pitong buwan upang gunitain ang pitong kalungkutan ng Birhen Maria.

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nagsilbing lokasyon ang simbahan ng Pakil para sa isang serye sa telebisyon ng ABS-CBN, ang Juan dela Cruz na pinagbibidahan ni Coco Martin at ang sumunod nitong serye na My Little Juan. Taong 1983, ang pagdiriwang ng Turumba ay pinanatiling-buhay sa isang pelikula ni Kidlat Tahimik.

  1. "General Reshuffle: Diocese of San Pablo". The Roman Catholic Diocese of San Pablo. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Mayo 2014. Nakuha noong 3 Mayo 2014. {{cite web}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. National Historical Institute 1993, p. 88
  3. Huerta 1865, p. 157
  4. Huerta 1865, p. 158
  5. Alba, Reinerio. "Falling for Turumba". The National Commission for Culture and the Arts. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Mayo 2014. Nakuha noong 3 Mayo 2014. {{cite web}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Turumba gets Santa Maria Maggiore grant". CBCP News. Media Office of Catholic Bishops Conference of the Philippines. Agosto 6, 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 8, 2014. Nakuha noong Agosto 7, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Pakil - Diocese of San Pablo". The Roman Catholic Diocese of San Pablo. 3 Mayo 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Mayo 2014. {{cite web}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Alhborn, Richard (1960). "The Spanish Churches of Central Luzon (I)". Philippine Studies. Ateneo de Manila University. 8 (4): 812.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Cuartero, Nestor (Marso 2, 2014). "Churches south of Manila you can visit on Holy Week". Manilla Bulletin. Nakuha noong Oktubre 18, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Giron, Tita (Marso 20, 2005). "A scenic way to do the traditional 'Via Crucis'". Philippine Daily Inquirer.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Pakil - Palarong Pambansa 2014". Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Mayo 2014. Nakuha noong 3 Mayo 2014. {{cite web}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Santoro 2011, pp. 350–351
[baguhin | baguhin ang wikitext]

May kaugnay na midya ang Saint Peter of Alcantara Parish Church of Pakil sa Wikimedia Commons