Pumunta sa nilalaman

Pangasiwaan sa Kagalingan ng Manggagawa sa Ibayong-dagat

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Pangasiwaan sa Kagalingan ng Manggagawa sa Ibayong-dagat[1] (Ingles: Overseas Workers Welfare Administration o OWWA) ay isang kaakibat na ahensya ng Kagawaran ng Manggagawang Mandarayuhan sa Pilipinas. Naglalayong protektahan ang interes ng mga Pilipinong manggagawa sa ibayong-dagat at kanilang mga pamilya, nagbibigay ito ng mga serbisyong panlipunan, pangkalinangan, at tulong sa mga usaping trabaho, pagpapadala ng pera at legal. Pinopondohan ito ng isang obligadong taunang kontribusyon mula sa mga manggagawa sa ibang bansa at kanilang mga maypagawa. Itinatag ang ahensiya noong 1977 bilang Welfare and Training Fund for Overseas Workers (Pondong Kagalingan at Pagsasanay para sa mga Manggagawa sa Ibayong-dagat. Ang opisina ng OWWA ay matatagpuan sa Kalye F.B.Harrison panulukan ng Kalye 7th sa Pasay, malapit sa Ekstensyong EDSA sa Pilipinas.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Mga Pangalan ng Tanggapan ng Pamahalaan sa Filipino" (PDF). Komisyon sa Wikang Filipino (sa wikang Filipino). 2013. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong Marso 29, 2017. Nakuha noong Marso 27, 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)