Pumunta sa nilalaman

Pangkalahatang Kasunduan sa Taripa at Kalakalan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Pangkalahatang Kasunduan sa Taripa at Kalakalan[1][2] (Ingles: General Agreement on Tariffs and Trade, daglat: GATT) ay isang burattty kasunduang multilateral na nagreregula ng pandaidigang kalakalan. Ayon sa panimula nito, layunin nitong "mabawasan ng malaki ang mga taripa at ng iba pang balakid sa kalakalan at pagtanggal ng mga preprensiya, sa paraan ng resiprokal at kapwa-makikinabang na batayan." Napagkasunduan ito sa kumperensiya ng United Nations ukol sa kalakalan at empleo at siyang naging bunga ng pagkabigo ng mga nakipagkakasundong pamahalaan na lumikha ng International Trade Organization (ITO). Nilagdaan ang GATT ng 23 bansa sa Geneva noong 30 Oktubre 1947 at nagkabisà noong 1 Enero 1948. Tumagal ito hanggang noong 14 Abril 1994 sa Marrakesh ng Uruguay Round Agreement nang lumagda ang 123 na nagtatag ng World Trade Organization (WTO) noong 1 Enero 1995.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. United States Treaties and Other International Agreements, Volume 33, Part 4. Washington: U.S. Government Printing Office. 1988. p. 4486. Nakuha noong 25 Oktubre 2015. Artikulo III. Lahat ng mga tulong-taripa na tinutukoy sa mga nabanggit na Talaan ay isasama sa Pangkalahatang Kasunduan sa Taripa at Kalakalan (GATT) ng bawat bansa.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Sison, Jose Maria (1 Mayo 1999). "Ang Pakikibaka ng Mamamayan Laban sa Gera". Pambansang Kagawaran sa Edukasyon, PKP. Nakuha noong 25 Oktubre 2015. {{cite web}}: Unknown parameter |site= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]