Pangkalikol
Ang pangkalikol (Ingles: probe) ay isang kagamitan o kasangkapang ginagamit sa anumang uri ng pagsusuri, panggalugad, pagsisiyasat, pananaliksik, pagsasalakab, o imbestigasyon.[1] Isang halimbawa nito ang isang maliit na patpat, o anumang katulad, na ipinapasok at iniikot sa loob ng isang butas.[2] Sa larangan ng panggagamot, isa itong balingkinitan o matalaghay na baretang yari sa pleksible o naibabaluktot ngunit hindi nababaling metal, na ginagamit upang suriin ang kapaligirang nasa loob ng likas o patolohikal na mga sugat, uka, hukay, o butas, at lagusan sa katawan. Isang mapanganib na instrumento ang pangkalikol na ginagamit sa larangan ng medisina, kaya't nararapat na gamitin lamang ito ng mga dalubhasa sa paggamit nito.[3] Nagmula ang salitang pangkalikol mula sa salitang-ugat na kalikol, na katumbas ng mga salitang katikot at kalikot.[2]
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Gaboy, Luciano L. Ibinatay sa nakalagay sa paglalarawan ng salitang probe - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
- ↑ 2.0 2.1 English, Leo James (1977). "Kalikol, pangkalikol, kalikot, katikot". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 280. - ↑ Robinson, Victor, pat. (1939). "Probe". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York).
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 596.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.