Pumunta sa nilalaman

Titi ng tao

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Pangtiti)
Titi ng lalaking tao
Ang larawan na ito ay nagpapakita lamang ng mga panlabas na bahagi ng titi ng lalaki, hindi ng mga laman-loob o mga pag-andar ng titi.
Mga pagkakakilanlan
Anatomiya ni Grayp.1247
MeSHPenis
TAA09.4.01.001
FMA9707

Ang titi ng tao ay isang panlabas na organong seksuwal ng mga lalaking tao. Isa itong organong reproduktibo at intromitente (ipinapasok o ipinapaloob) na nagsisilbi rin bilang daluyan ng ihi. Binigyang kahulugan nina Morton G. Harmatz at Melinda A. Novak ang titi sa kanilang aklat na Human Sexuality bilang parang pendulo o palawit o lawit at parang gabilya o pamalo na organong panlalaki na ginagamit sa pakikipagtalik at sa pagtatanggal (eliminasyon) ng ihi at duming nasa ihi.[1]

Maitim na titi ng lalaking tao

Ang titi na hindi matigas at hindi nakatayo ay may karaniwang haba na 2.4 na mga pulgada hanggang 3.5 mga pulgada na walang kinalaman sa kahabaan kapag tumigas at tumayo. Ang titi ay humahaba na umaabot sa karaniwang haba na 5.1 mga pulgada (karaniwang nagkakaiba-iba mula 4 5/8 hanggang 6 1/4 na mga pulgada) at lumalapad na may diyametro (kabilugan) na humigit-kumulang sa 1.6 mga pulgada.[2] Marahil, ang titi ay ma aaring doble talaga ang haba kaysa sa nakikitang bahagi nito, sapagkat ang kalahati ng tagdan o katawan ng titi (shaft sa Ingles) ay naka tago sa loob ng katawan ng lalaki kung saan naroroon ang reproduksiyong seksuwal ng lalaki, na nagbibigay ng pamantungan o katatagan at kayarian o balangkas upang maisagawa ng titi ang tungkulin nito habang nakikipagtalik.[2]

Ang titi ng tao ay binubuo ng makikinis at napaka parang espongha na mga tisyu ng masel. Ang dalawa sa mga ito ay ang corpora cavernosa, at ang pangatlo ay ang corpus spongiosum na nakapaligid sa uretra ng lalaki. Nasa dulo ng "tagdan" (katawan ng titi) ang glans (ulo ng titi). Kapag ipinapanganak ang isang lalaking sanggol, ang ulo ng titi ay natatakpan ng isang "saha" o "balamban" (balat) na tinatawag na "burat" (prepusyo ng titi) na "naibuburat" o naiuurong (naitatalikwas) sa pamamagitan ng prenulum (frenulum) kapag nanigas at tumayo ang titi sa kaso ng mga lalaking hindi tuli.[2]

Mga tungkulin

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang titi ay mayroong tatlong pangunahing tungkulin: (a) daanan ng ihi, (b) ang tumigas at tumayo (ereksiyon) upang makapasok sa puke habang nakikipagtalik, at (c) ang maglagay o maghulog ng semilya habang nagpapalabas ng tamod (ehakulasyon).[2]

Daanan ng ihi

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa pag-ihi, ang mga muskulong pubococcygeal (dinadaglat na muskulong "PC") ay ang masel na tumutulong sa lalaking maiihi upang huwag maihian ang sarili niya, at ito rin ang mga masel na pumipiga upang mailabas ang mga huling patak pa ng ihi na tila na nakabinbin sa bukanang uretral (meatus).[2]

Sa ereksiyon, kapag napukaw na seksual ang titi, ang mga selulang pangnerbiyos na nasa loob ng titi ay nag papalabas ng mga oksidong nitriko (nitric oxide) na naka pag papahinga o naka pag papakampante ng mga daluyan ng dugo ng corpora cavernosa (literal na "katawang malungga") at ng corpus spongiosum (literal na "katawan ng titi na parang espongha") upang mapuno ng dugo ang mga puwang na "may mga lungga". Lumalapad ang titi - tumatayo at tumitigas - kung kaya't ang dugo ay "nabibitag" sa loob ng mga "lunggang" ito upang mapanatili roon.[2]

Sa paglakas o pag taas ng pagkaantig na seksuwal, umuurong ang tinatawag na vas deferentia upang makapagpiga ng esperma patungo sa ilalim o "pundasyon" ng titi; habang nagaganap ito, nagpapakawala ang prostata at ang mga besikulong seminal ng likido upang mabuo ang tinatawag na semen. Kapag sapat o lubos na ang ereksiyon, kung minsan ay nag kakaroon ng isang malinaw na sekresyon sa dulo ng glans. Ang sekresyong ito ay hindi semen, bagkus ay pluidong nang galing sa tinatawag na mga glandula ni Cowper, na naka pag papawalang-bisa sa likas na "Gatas" o "Crema" (acidity) ng uretra upang maprotektahan ang dumaraang sperma; at nakakatulong din ang sekresyong ito na nagmula sa mga glandula ni Cowper sa pag bibigay ng lubrikasyon ng o pagpapadulas ng puke.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Harmatz, Morton G. at Melinda A. Novak. Glossary, Human Sexuality, Harper & Row Publishers, New York, 1983, pahina 565. Kahulugan: penis [PEE-nis] Pendulous, rodlike male organ used for copulation and the elimination of urinary waste.
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 2.6 The Men's Health Big Book of Sex, pahina 19-20.

AnatomiyaTao Ang lathalaing ito na tungkol sa Anatomiya at Tao ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.