Pumunta sa nilalaman

Panitikang Gaeliko

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang panitikang Gaeliko ay ang panitikang nasa bernakular na mga wikang Gaeliko ng Irlanda, Eskosya, at Pulo ng Man. Itinuturing ang panitikang Gaeliko bilang isa sa pinakamatandang mga pampanitikang tradisyon ng Europa, maliban na lamang sa panitikang Latin at sa panitikang Griyego: ang panitikan ay nasusulat sa mga wikang Gaeliko mula unang mga daantaon AD hanggang sa pangkasalukuyang panahon. Ang wikang Latin ay ginagamit nang malawakan sa mga lupaing Gaeliko, ngunit dahil sa pagsapit ng Kristiyanismo, ang mga Gael ay naging nangunguna sa paggamit ng kanilang sariling wika upang magsulat ng mga akdang pampanitikan na may kahalagahan.

Unang mga akda sa panitikang Gaeliko

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang unang lumitaw na mga akda sa Sean-Ghaeilge (Ingles: Matandang Irlandes) ay mga akdang panrelihiyon, ang pinakamaagang anyo na nakasulat sa alpabetong Latin, dahil nais ipamahagi ng mga mongheng nagsasalita ng Gaeliko ang relihiyon sa kanyang "kawan" na ginagamit ang katutubong wika. Maaaring ang mga unang himno at mga dasal na pangsimbahan ay nasulat sa Matandang Iralandes magmula pa noong ika-6 daantaon. Ang akdang Amra Choluim Chille ay ang pinakamaagang umiiral pang akdang pampanitikan. Nakasulat ito sa isang napakaagang anyo ng Sean-Ghaeilge, at ang metro nito ay may makalumang anyo, mahigit pa sa iba pang mga panitikan ng kapanahunang ito. Iniisip ng mga dalubhasa na isinulat ito ni Dallán Forgaill, noong bandang hulihan ng wakas ng ika-6 na daantaon, noong mamatay si Colm Cille.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.