Pumunta sa nilalaman

Panitikang Yidis

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang panitikang Yidis o panitikang Yiddish ay ang panitikan na nasa wikang Yidis, ang wika ng Kahudyuhang Ashkenazi na may kaugnayan sa Panggitnang Mataas na Aleman. Ang kasaysayan ng Yidis, na may pinag-ugatan sa gitnang Europa at may lugar sa silangang Europa sa loob ng maraming mga daantaon, ay kapuna-puna sa panitikang ito. Pangkalahatang nilalarawan ito na may tatlong yugtong pangkasaysayan: ang Matandang Panitikang Yidis, ang panitikang Haskalah at Hasidiko, at ang Makabagong Panitikang Yidis. Bagaman mahirap matukoy ang tiyak na mga petsa para sa mga kapanahunang ito, ang Matandang Yidis ay tinatayang umiral mula 1300 hanggang 1780; ang panitikang Haskalah at Hasidiko (Hudaismong Hasidiko) mula 1780 hanggang bandang 1890; at ang modernong panitikang Yidis mula 1864 hanggang sa kasalukuyan.

PanitikanHudaismo Ang lathalaing ito na tungkol sa Panitikan at Hudaismo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.