Pumunta sa nilalaman

Panitikang panularan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Panitikang pinaghahambing)

Ang panitikang panularan, panitikang pahambing, panitikang hinahambing, panitikang pinaghahambing, panitikang patulad, panitikang hambingan, o panitikang komparatibo ay isang larangang akademiko na nakatuon sa panitikan ng isa iba't ibang lingguwistikal, kultural, at nasyunal na mga pangkat. Habang ang karamihan ay isinasagawa sa mga akda ng iba't ibang mga wika, maaari ring isagawa ang panitikang panularan sa mga akda ng katulad na wika kung ang akda ay nagmula sa iba't ibang mga bansa o mga kultura kung saan sinasalita o isinusulat ang wika. Kabilang din sa sakop ng mga pagtatanong ang paghahambing ng iba't ibang mga uri ng sining; halimbawa na ang kaugnayan ng pelikula sa panitikan.

Panitikan Ang lathalaing ito na tungkol sa Panitikan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.