Aguhon (panturo)
Ang aguhon[1][2](lumang Tagalog: paraluman; Kastila: compás, isina-Tagalog bilang kumpas[1]) ay isang kagamitan sa pagtuturo ng patutunguhan, na madalas ginagamit sa paglalayag sa karagatan o paglalakbay sa karagatan o kawalan, o saan mang kakaunti lamang ang tanaw na palatandaan. Nasusukat nang may katiyakan ng aguhon ang tamang patutunguhan ng isang manlalakbay sa pamamagitan ng pagsandig sa mga nambabalaning kasukdulan ng daigdig.
Tinatawag din itong mabatobalaning aguhon, magnetikong kumpas, o aguhon ng mandaragat, mga uri ng panligid.[3]
Binubuo ito ng isang nababalaning panturo o aguha[2] (na katawagan din sa panturong gamit sa orasan o relo; iba ito sa aguhilya[2] na tawag sa pang-ipit ng buhok), isang umiikot o gumagalaw na karayom na karaniwang may tanda na pang-Hilagang nambabalaning kasukdulan at malayang nakahahanay sa buong nambabalaning kapanuruang taglay ng daigdig.
Unang nalikha ng mga Intsik ang aguhon noong panahon ng Kahariang Han, at ang nalikha nila ay kapara ng isang sandok o kutsara na yari sa batong may magnetito o pambalani at nakalapat sa isang parisukat na tanso.[4]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 Gaboy, Luciano L. Compass, aguhon, kumpas; magnetite - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
- ↑ 2.0 2.1 2.2 English, Leo James (1977). "Aguhon; aguha; aguhilya". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 19. - ↑ Blake, Matthew (2008). "Aguhon (panturo)". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Sinaunang mga imbensiyon, Smith.edu (sa Ingles)