Pumunta sa nilalaman

Panggagamot na panloob

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Panloob na panggagamot)

Ang panloob na panggagamot, medisinang internal, o medisinang panloob ay ang medikal na espesyalidad na may kaugnayan sa pag-iwas, diyagnosis, at paglulunas ng mga karamdaman ng mga taong nasa wastong gulang o mga adulto. Nagmula ang katawagang "medisinang internal" buhat sa salitang Aleman na Innere Medizin, isang disiplinang pinatanyag sa Alemanya noong huling panahon ng dekada ng 1800 upang ilarawan ang mga manggagamot na nagsasanib sa agham ng laboratoryo sa pangangalaga ng mga pasyente. Marami sa mga Amerikanong duktor ng kaagahan ng ika-20 daang taon ang nag-aral ng panggagamot sa Alemanya at nagdala ng larangan ng medisinang ito sa Estados Unidos. Kaya inako nila ang katawagan at naging pangalang Ingles na internal medicine.[1] Karaniwang tinatawag na mga internista ang mga medikong espesyalista. Dahil sa ang kanilang mga pasyente ay kadalasang malubha ang sakit o nangangailangan ng masalimuot na mga imbestigasyon, ginagawa ng mga internista ang karamihan sa kanilang mga gawain sa loob ng mga ospital.

Sa makapabagong pagsasagawa, karamihan sa mga internista ang mga sub-espesyalista, na ang ibig sabihin ay nililimita nila ang kanilang gawaing pangmedisina sa mga problema ng isang sistema ng organo o sa isa sa partikular na lugar ng kaalamang medikal. Halimbawa, may espesyalidad ang mga gastroentorologo sa mga karamdaman ng sistemang panunaw o mga bituka at ang mga neprologo naman ay sa mga sakit lamang sa bato.

May mahabang klinikal at siyentipikong pagsasanay ang mga internista sa kanilang mga pook na pinagtutuunan sa medisina at may natatanging kadalubhasaan sa paggamit ng mga pagrereseta ng mga gamot o iba pang mga terapiyang medikal.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Internal Medicine, acponline.org

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.