Pumunta sa nilalaman

Pagsasarilinan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Pansarili)
Huwag itong ikalito sa Kasarinlan.

Ang pribasya, pagsasarilinan[1], pribasidad, o kapribaduhan ay ang kakayanan ng isang tao o pangkat ng mga taong itago o ihiwalay ang kanilang mga sarili o mga kabatiran tungkol sa kanilang mga sarili at dahil gayon inililitaw o isinisiwalat ang kanilang sa mga piling paraan o pagkakataon lamang. Nagkakaiba-iba ang ang mga hangganan at nilalaman ng kung ano ang itinuturing na pribado o pansarili sa mga kalinangan at mga indibidwal, ngunit nagsasali ng payak o basikong pangkaraniwang mga tema o paksa. Paminsan-minsang may kaugnayan ang pagsasarilinan sa anonimidad o hindi pagpapakilala, sa kahilingang manatiling hindi napapansin o hindi napupuna habang nasa piling ng madla. Kabilang pribado ang isang bagay para sa isang tao, kalimitan itong nangangahulugang mayroon isang bagay sa loob nila na itinuturing na natatangi o sensitibo o maselan. Kung gayon, depende ang antas ng paglalabas o pagbibilad ng pansariling impormasyon sa kung paano matatanggap o tatanawin ng publiko ang ganitong kabatiran, na naiiba sa pagitan ng mga pook at kahabaan ng panahon o oras. Maaaring tingnan ang pagsasarilinan bilang isang bahagi o aspeto ng seguridad — isang bagay na may pagiging partikular na malinaw ng pagpapalitan ng mga interes o layunin ng isang pangkat at isa pa.

Katumbas o kaugnay din ito ng pag-iisa, pagiging malihim, pagtatago,[1] lihim o sekreto, lingid, at bukod. Kabaligtaran ito ng pagiging publiko o pangmadla. Itinuturing na dayuhan o hindi bahagi ng publikong parte ng pamahalaan ang pagsasarilinan, sapagkat isa sa pinakamahalagang karapatan ng tao ang pagkakaroon ng pribasya o ang karapatang "bayaan o hayaang mag-isa".[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Gaboy, Luciano L. Privacy, pribasya, pagsasarilinan - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. Blake, Matthew (2008). "Private". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), makikita sa Private Naka-arkibo 2016-03-05 sa Wayback Machine..

TaoBatas Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao at Batas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.