Pumunta sa nilalaman

Papel

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isang salansan ng papel de Manila

Ang papel ay isang manipis na materyal na pangunahing ginagamit para sa pagsusulat, paglilimbag at pagbabalot. Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagdiin ng sama-sama ang basang mga hibla, karaniwang selulusa na hinango mula sa kahoy, trapo o damo, o ibang mapagkukunang gulay sa tubig, at tinutuyo upang maging mga pirasong nababanat. Bagaman orihinal na ginawa sa nag-iisang piraso gamit ang kamay ang papel, halos gawa na ngayon ang lahat sa malaking malamakinang gumagawa ng rolyong 10 metro ang lapad, na tumatakbo sa 2,000 metro bawat minuto at hanggang sa 600,000 tonelada bawat taon. Isang materyal ito na maraming nagagawa, kabilang ang pag-imprenta, pagbabalot, dekorasyon, paglilinis, pansala, pandikit sa dingding, pantapos sa aklat, konserbasyon, laminadong worktop, tisyung pangkubeta, pananalapi, seguridad, at ilang mga prosesong pang-industriya at konstruksyon.

Sa Ehipto noong 3500 BC ang unang natalang may anyong papel na yari sa halamang papirus. Pinapaniwalang nagmula sa Tsina ang totoong papel noong mga ikalawang siglo AD, bagaman may mga ilang ebidensiya na nagsasabing ginagamit ang mga ito bago pa ang nasabing panahon.[1] Maaring umunlad ito noong 105 CE sa pamamagitan ng bating ng korteng Han na si Cai Lun, bagaman hango ang pinakamaagang kapiraso ng papel pang-arkeolohiya noong ikalawang dantaon BCE sa Tsina.[2] Pandaigdigan ang makabagong industriya ng sapal at papel, na nangunguna dito ang Tsina sa produksyon nito at sinundan ng Estados Unidos.

Sa etimolohiya, hinango ang salitang papel mula sa Latin na papyrus, na nagmula sa Griyegong πᾰ́πῡρος (pápūros), ang salita para sa halamang Cyperus papyrus.[3][4] Isang makapal na may materyal na parang papel ang papyrus (o papirus) na ginagawa mula sa sapal ng halamang Cyperus papyrus, na ginagamit ng sinaunang Ehipto at ibang kulturang Mediteranyo para sa pagsusulat bago maipakilala ang papel.[5] Bagaman etimolohikal na hinango ang salitang papel mula sa papyrus, ginagawa ang dalawa ng napakaiba at naiiba ang pag-unlad ng nauna mula sa pag-unlad ng ikalawa. Laminasyon ang papyrus ng natural na hibla ng halaman, habang ginagawa ang papel mula sa mga hibla na nabago ang katangian sa pamamagitan ng pagbababad.[2]

Epektong pangkapaligiran

[baguhin | baguhin ang wikitext]

May ilang masamang epekto sa kapligiran ang produksyon at gamit ng papel. Tumataas ang deporestasyon sa pagkonsumo ng papel, na may 35% nagapas na mga puno ang ginagamit sa paggawa ng papel. Nagtatanim din ng puno ang karamihan sa mga kompanyang gumagawa ng papel upang makatulong sa muling pagtubo ng mga puno. Nasa mababa sa 10% ng sapal ng kahoy ang pagtrotroso ng mga gubat na may mga punong tumutubo,[6] subalit isa ito sa pinakakontrobersyal na mga isyu.

Nasa 40% naman ng kabuuang basura ang papel bawat taon sa Estados Unidos, na nagdagdag sa 71.6 milyong tonelada ng basurang papel sa Estados Unidos pa lamang.[7] Naglilimbag ang katamtamang manggagawa sa opisina sa Estados Unidos ng 31 pahina kada araw.[8]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Hogben, Lancelot. "Printing, Paper and Playing Cards". Bennett, Paul A. (ed.) Books and Printing: A Treasury for Typophiles. New York: The World Publishing Company, 1951. pp. 15–31. p. 17. & Mann, George. Print: A Manual for Librarians and Students Describing in Detail the History, Methods, and Applications of Printing and Paper Making. London: Grafton & Co., 1952. p. 77 (sa Ingles)
  2. 2.0 2.1 Tsien 1985, p. 38 (sa Ingles)
  3. πάπυρος Naka-arkibo 16 June 2013 sa Wayback Machine., Henry George Liddell, Robert Scott, A Greek–English Lexicon, sa Perseus (sa Ingles)
  4. "papyrus". "Oxford Dictionaries" (sa wikang Ingles). Oxford University Press. (sa Ingles)
  5. "papyrus". "Dictionary.com Unabridged". Random House. Nakuha noong 2008-11-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (sa Ingles)
  6. Martin, Sam (2004). "Paper Chase" (sa wikang Ingles). Ecology Communications, Inc. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-06-19. Nakuha noong 21 Setyembre 2007.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2007-06-19 sa Wayback Machine.
  7. EPA (28 Hunyo 2006). "General Overview of What's in America's Trash" (sa wikang Ingles). United States Environmental Protection Agency. Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Enero 2012. Nakuha noong 4 Abril 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Groll, T. 2015 In vielen Büros wird unnötig viel ausgedruckt Naka-arkibo 17 August 2015 sa Wayback Machine., Zeit Online, 20 Hunyo 2015 (sa Aleman).