Pumunta sa nilalaman

Paroksismo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang paroksismo (mula sa Ingles na paroxysm) ay ang sintomas na may katangiang klamante (apurado, malakas, o pilit) na biglaan ang paglitaw o isang sumpong. Tinatawag din itong ihit, sasal, bidbid, silakbot, sikla, at paglala ng sakit.[1] Kabilang sa mga sintomas na nagiging paroksismal o umiihit ang hapdi, ubo, at kombulsyon (natatawag ding paroksismo ang kombulsyon). Ginagamit din ang salita para sa madalas na pagtindi o pagsidhi (intesipikasyon) ng isang sintomas. Gayundin, ginagamit din ang salita para sa mga panahon o peryodo ng pagkakaroon ng lagnat sa malarya at iba pang panakanaka (paudlut-udlot o paulit-ulit) o intermitenteng mga lagnat.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Gaboy, Luciano L. Paroxysm, paroxysmal - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. Robinson, Victor, pat. (1939). "Paroxysm". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York).{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 569.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.