Parokya ng Mahal na Birhen ng Awa ng Pampanga
Parokya ng Mahal na Birhen ng Awa | |
---|---|
Simbahan ng Bahay Pare | |
15°01′49″N 120°52′54″E / 15.03028°N 120.88167°E | |
Lokasyon | Bahay Pare, Candaba, Pampanga |
Bansa | Pilipinas |
Websayt | https://www.facebook.com/nuestraofficial/ |
Kasaysayan | |
Itinatag | Abril 26, 1937 |
Dedicated | Abril 28, 2018 |
Mga relika | 5 |
Arkitektura | |
Estado | Parokya |
Katayuang gumagana | Aktibo |
Pamamahala | |
Arkidiyosesis | Arkidiyosesis ng San Fernando, Pampanga |
Klero | |
Arsobispo | Lub. Kgg. Florentino G. Lavarias, D.D. |
(Mga) Pari | Reb. Pd. John Cenon D. Tulio |
Ang Parokya ng Mahal na Birhen ng Awa ng Pampanga (Kastila: Parroquia de Nuestra Señora de la Merced, Ingles: Our Lady of Mercy Parish) ay isang Romano Katolikong simbahang matatagpuan sa Bahay Pare, Candaba, Pampanga. Ang parokya ay sakop ng Arkidiyosesis ng San Fernando, Pampanga. Ang parokya ay ang dambana ng Nuestra Señora de la Merced de Pampanga, Emperatriz na Marilag sa Katagalugan ng Pampanga na tinuturing pinakamatanda at orihinal na imahen ng titulong ito sa Pilipinas. Dinarayo ang parokya ng mga deboto upang manalangin dito para sa kanilang espiritwal, mental at pisikal na kalusugan, para sa kanilang pamilya, sa matagumpay na pag-aaral at para sa paglago ng bokasyon sa pagpapari at buhay relihiyoso. [1] Sakop ng parokya ang karamihan sa mga barangay na nasa Rehiyong Tagalog ng Pampanga.[2] Ang imahen ay kilala sa kanyang dalit tuwing Siya ay bumibisita sa iba't ibang lugar. Dito rin matatagpuan ang mga first class na relikya ng mga Mercedariong Santo na sina San Pedro Nolasco, San Raymundo de Peñafort, San Serapion ng Algiers, San Ramon Nonnato at San Pedro Armengol.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ayon sa mga kwento, noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas ay mayroong tatlong babaeng nanghihingi ng tulong upang magawa ang kanilang "bahay" sa kalapit na Bayan ng Plaridel at Baliwag. Isang karpintero buhat sa Plaridel ang bumisita sa kapilya ng Bahay Pare at nakita niya roon ang tatlong imahen sa altar na kamukha rin ng mga nagtatanong sa bayan nila na sina Santa Lucia, Santa Catalina de Alejandria at ang Birheng Maria sa titulong Nuestra Señora de la Merced.[1]
Matapos ang Himagsikan ng 1896, ang kapilya ay napasailalim sa Parokya ng San Agustin sa Baliwag, Bulacan. Ang kapilya ay natatag bilang parokya noong Abril 26, 1937 noong pinetisyon ito ng kura paroko ng Baliwag na si Reb. Pd. Ruperto T. del Rosario sa noong Arsobispo ng Maynila na si Lub. Kgg. Michael J. O'Doherty. Ang Parokya ng Bahay Pare ang ikalawang barriong naging parokya sa Pampanga, kasunod ng Parokya ng San Vicente Ferrer sa Lungsod ng San Fernando.
Mahal na Birhen ng Awa ng Pampanga
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Nuestra Señora de la Merced de Pampanga (Filipino: Mahal na Birhen ng Awa ng Pampanga), kilala bilang "Emperatriz na Marilag sa Katagalugan ng Pampanga" ay isang imahen ng Mahal na Birheng Maria sa kanyang titulong Ina ng Awa na pinipintuho sa kanyang parokya sa Bahay Pare, Candaba, Pampanga, Pilipinas.[1][3]
Kilala ito bilang pinakaluma at orihinal na imahen ng titulong ito sa Pilipinas. Kilala rin siya bilang "Apung de la Merced" at "Nuestra". Ang kanyang kapistahan ay ginugunita tuwing Septyembre 24, ang liturhikal na kapistahan niya na ayon sa General Roman Calendar.[4][5][3]
Galerya
[baguhin | baguhin ang wikitext]-
Retablo Mayor
-
Orihinal na Imahen ng Nuestra Señora de la Merced de Pampanga
-
First Class Relics ng mga Mercedariong Banal
-
Opisyal na Replica ng Nuestra Señora de la Merced
-
Retablo Menor
-
Santa Catalina de Alejandria
-
San Pedro Nolasco
-
Santa Lucia
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 Darang, Josephine Clemente (2006). A Purely Personal Book of Miracles: A Collection of Columns Published by the Philippine Daily Inquirer. Sound Publishing Corporation. ISBN 9789718994801.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Devotees join Mercedarian celebration". Sunstar Philippines. Agosto 8, 2018. Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 18, 2023. Nakuha noong Marso 16, 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 Malabanan, James Benedict (2017). "Nuestra Señora de la Merced de Candaba – Candaba's Merciful Lady". NA.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Days of the Lord: Solemnities and feasts. Liturgical Press. 1991. ISBN 0814619053.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Santoro, Nicholas (2011). Mary in Our Life: Atlas of the Names and Titles of Mary, the Mother of Jesus, and Their Place in Marian Devotion. iUniverse. ISBN 1462040217.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)