Parusiya
Tumutukoy sa Inggles ang Second Coming o ang Last Coming sa Kristyano at Muslim na paniniwala sa pagbalik ni Hesus sa lupain.
Kristyanismo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Second Coming bilang isang Third Coming
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pinagdududahan ang kawalan ng kinikilingan ng bahagi ng artikulong ito. Mangyaring tignan ang usapan. (Enero 2008) |
Nakalalamang sa Sangkakristiyanuhan ang naniniwalang ang pagbabalik o ang muling pagparito ng Panginoon ay ang ikalawa o ang tinatawag na second coming. Ngunit ganito nga kaya ang itinuturo ng Biblia? Sapagka’t kung ating pagwawariing mabuti ay mapapansing dalawang ulit na siyang pumarito at ang hinihintay nating pagbabalik ay ika-tatlo na. Ang inaasahang second coming ay malaon nang naganap. Ngunit bago natin isa-isahin ang mga talatang nagpapatunay ng kaniyang ikatlong pagparito o third coming ay balik tanawan natin ang mga pangyayari na siyang dahilan kung bakit naganap ang una at ikalawang pagparito at gayon din ang magaganap na ikatlo. Mapapansin sa Kapitolo 2-3 ng Genesis ay isinasalaysay na nilalang ng Dios ang Lalaki (samakatuwid bagà’y ang Tao) at inilagay sa Halamanan ng Eden. Na sa harding yaon ay tunay na siya’y pinagpalà Ngunit nagkaroon ng balakid ang tinatamasa niyang kaginhawahan sa dahilang siya’y nahulog sa tukso ng pagsalangsang. Ito nga ang naging dahilan kung kaya siya ay pinalayas sa loob ng halamanan na kung liliwanagin ay ang Paraiso ng Dios. Karapat-dapat nga ang tao sa kabayarang iyon ng kaniyang ginawa, Kaya’t siya’y nasadlak sa hirap ng pagpapakasakit upang magtamo ng kaniyang ikabubuhay gaya ng sinasabi sa Kasulatan: sa pawis ng iyong mukhà kakain ka ng tinapay.(Genesis 3:19) At ang higit na masaklap ay ang pagkakaroon niya ng kamatayan,(Roma 5:12) Gayong hindi ito ang layon ng kaniyang Dios sa kaniya. Magkagayon man na ang tao ay lubos na namumuhay sa kaniyang sariling mga haka,(Eclesiastes 7.29) Ay ito hindi naging sagabal sa tunay na layunin ng Dios. Bunga ng kaniyang masidhing pag-ibig sa kaniyang mga kinapal ay patuloy na ninasa niyang tayo ay maibalik sa paraisong tunay na sa atin ay nakalaaan.(Efeso 1:4) Ginagawa ng Dios ang lahat upang ating matahak ang Daang pabalik sa ating lupaing pinanggalingan.(Hebreo 11:15-16) At ito ang kina-uwian ng kaniyang una at ikalawang pagparito gayon din naman ang nalalapit na ikatlo. Una ay naparito siya upang maibalik tayo sa pamamagitan ng Kautusan. Sa kalagayang Anghel(Exodo 3:2) ay napakita siya kay Moises upang ibigay ang mga palatuntunang siyang magiging patnubay o pamantayan natin sa paglakad ng pabalik sa kaniya.(Gawa 7:30-32) At ang Panginoon sa kalagayang Anghel ang siyang naging Sandigan at Sanggalang ng ating mga ninuno noong kapanahunan ng kaniyang unang pagparito.(Isaias 63:9) Ngunit nanatiling ayaw sumunod sa mabuting Daan ang kaniyang mga nilalang,(Mateo 23:37) Bagama’t ang palatuntunang inilahad ng Dios upang makatahak silang pabalik sa kaniya ay hindi naman mabibigat.(1Juan 5:3) Kaya kinailangan ang Ikalawa niyang pagparito, upang lubos na mapatnubayan sa Daang pabalik sa Edeng kaniyang inilaaan sa lahat niyang minamahal. Sa kalagayang ANAK(Mateo 1:21,25) na siyang tagapagligtas ay minarapat ng Dios na siyay bumalik upang sa pamamagitan ng biyaya ay magkaroon tayo ng pananampalataya.(Efeso 2:15,8 @ Hebreo 11:3) Na sa dahilang tayo’y pinagkalooban ng biyaya sa pamamagitan ng pananampalatayang kaloob niya rin sa atin, Ay nararapat lamang na tayoy mangagsisi sa ating mga kasalanan upang matamo natin ang kapatawaran. Naganap na ang ikalawa niyang pagparito at nang panahong yaon ay kaniyang ipinagtagubilin ang ganito: Narito, ikaw ay gumaling na! huwag ka ng magkakasala.(Juan 5:15) Maliwanag na sinasabing may katotohanan na nang ikalawang siya’y pumarito ibinigay na niya lahat Biyaya, Pananampalataya, Pagsisisi, Kapatawaran / Kaligtasan lahat nang paraan upang tayo’y makabalik sa Langit na kaniyang inilaaan sa atin. Mga paraang higit sa mga palatuntunang kaniyang unang ibinigay nang una siyang pumarito at nakipagtalastasan kay Propeta Moises. gayon sa nalalapit na pagbabalik ang kaniyang Ikatlong pagparito ang mga karapatdapat ay kaniyang titipunin upang makapiling niya ng walanghanggan. At maliwanag ang sabi ng Kasulatan na hindi na niya patatawarin ang masumpungang gumagawa ng kasalanan sa Dakilang Araw na yaon,(2Corinto13:1-2 @ Mateo 12:31-32) dakila sapagka’t siyay paririto na nasa kalagayang Espiritu Santo. (2Corinto 3:17 @ Juan 16:7-11) Ang espiritu ng katotohanan na siyang manunumbat sa kasamaan ng mga suwail, manunumbat sa dahilang ipinagwalang bahala nila ang Matimyas na pag ibig ng Dios.(Juan 3:16) Na sa halip na magsipagsisi ay nangamusong pa sa Banal na Pangalan ng Kataastaasan.(Apocalipsis 16:9) Nalalapit na ang araw, ayon sa kasulatan.(1Pedro 4:7) Kaya’t ating paghandaan ang mga bagay na magsisidating. Ihanda natin ang ating mga sarili upang tayo’y maging karapat-dapat na maka-harap at makatayo sa Kaniyang harapan sa Kaniyang Ikatlong Pangparito.
Islam
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sinasabi sa Islam na hindi si Hesus ang ipinako sa krus kundi isang duplicate o kopya niya, at na si Hesus ay magbabalik upang makipaglaban sa Antikristo, na magiging pinuno ng daigdig sa darating na araw, patayin ang lahat ng mga baboy, wasakin ang krus, at gawing Muslim ang lahat ng sangkatauhan.