Pumunta sa nilalaman

Paseguruhan ng mga Manggagawa sa Pribadong Sektor

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Paseguruhan ng mga Manggagawa sa Pribadong Sektor
Social Security System
Ang logo ng Paseguruhan ng mga Manggagawa sa Pribadong Sektor
Buod ng Ahensya
Pagkabuo1 Setyembre 1957
KapamahalaanPamahalaan ng Pilipinas
Punong himpilanAbenida Silangan, Diliman, Lungsod Quezon, Pilipinas
Kasabihan/mottoKabalikat mo sa buhay.
Mga tagapagpaganap ng ahensiya
  • Jose B. Santos, Tagapangulo
  • Emilio S. de Quiros, Jr., Pangulo at Punong Tagapagpaganap
Websaytwww.sss.gov.ph

Ang Paseguruhan ng mga Manggagawa sa Pribadong Sektor o Social Security System (SSS, literal: Sistema ng Paseguruhang Panlipunan) ay isang ahensiya ng pamahalaan ng Pilipinas na( naglilikom ng mga pondo na salapi bilang mga seguro mula sa ambag sa pamamagitan ng pagkakaltas ng mga kita nang ilang bahagi ng mga manggagawa mula sa pribadong sektor).

Ang larawang-isip ng paseguruhang panlipunan ay gumitaw mula sa lumang sugasig ng tao bilang kandili laban sa karukhaan, na naghahalimhim ng mga maluming panlipunang sakit na hindi lamang nagbabanta sa pagpapanatili kundi naglulugso ng kanyang pakiwari ng sanghayang pantao. Samakatuwid ito ay nagiging tungkulin at pananagutan ng Estado na magbisa ng mekanismo na maglalaan ng itong proteksiyon sa mga tao nito.[1]

Noong 26 Enero 1948, gumawa si Pangulong Manuel A. Roxas ng panukalang-batas na nagtatamong magtatag ng isang sistema ng paseguruhang panlipunan para sa mga nag-iipon ng suweldo at mga manggagawang may mababang sahod. Ito ay iminungkahi sa Konggreso sa kanyang Talumpati sa Kalagayan ng Bansa. Pagkatapos ng kamatayan ni Pangulong Roxas, nilikha ni Pangulong Elpidio Quirino ang Komisyon sa Pag-aaral ng Paseguruhang Panlipunan noong 7 Hulyo 1948. Ang paglikha ng Komisyon ay kanyang unang opisyal na batas mula sa kanyang pagluklok sa tanggapan. Batay sa ulat ng Komisyon sa Pag-aaral, isang balangkas ng Batas sa Paseguruhang Panlipunan ay ipinasa sa Konggreso.[2]

Noong 1954, ipinakilala nina Kinatawang Floro Crisologo, mga Senador Cipriano Primicias at Manuel Briones ang panukalang-batas batay sa ulat ng Komisyon sa Pag-aaral ng Paseguruhang Panlipunan sa Kapulungan ng mga Kinatawan at sa Senado. Ang mga panukalang-batas ay pinagsama at isinabatas sa Batas Republika Blg. 1161, kinilala nang lubos bilang Batas sa Paseguruhang Panlipunan ng 1954. Gayumpaman, maraming nasa pangkat ng mga negosyante at paggawa ay sumalansang sa Batas sa Paseguruhang Panlipunan na nahantong sa isang pagpapaantala ng pagpapairal nito.

Ang punung-tanggapan ng SSS

Noong 1957, ang mga isinaayos na panukalang-batas ay ipinakilala sa Konggreso. Ang mga panukalang-batas ay mga batayan ng Batas Republika Blg. 1792, na isinusog ang paunang Batas sa Paseguruhang Panlipunan. Noong Setyembre 1 ng taon ding iyon, ang Batas sa Paseguruhang Panlipunan ng 1954 (Batas SS) ay napairal nang sa wakas, nakatatak ng isang makabuluhang pangyayari sa programang paseguruhang panlipunan.

Sa gayon, kasama ang pagpapairal ng Batas SS, ang pamahalaan ay nagpatibay rin ng pamamaraan ng panlipunang seguro sa paseguruhang panlipunan, na sumasaklaw sa pangkat ng mga na-empleyo ng puwersa ng paggawa sa pribadong sektor. Noong 1993, isinama ang mga kasambahay na nag-iipon ng hindi bababa sa ₱1,000 sa sapilitang nasasaklawan ng mga manggagawa.

Noong 1980, ang mga ibang pangkat ng mga taong hindi namamasukan ay ipinaguto rin na mag-ambag sa pondong paseguruhang panlipunan mula kung saan ang mga inam ay nabayaran sa kaganapan ng isang pasumala na inilaan ng batas. Ang mga nagsasariling magsasaka at mga mangingisda ay isinama rin sa programa noong 1992, habang ang mga manggagawa mula sa mga di-pormal na sektor na nag-iipon ng ₱1,000 sa isang buwan tulad ng mga maglalako at mga taong-bantay ng mga sasakyan ay sinaklaw noong 1995. Nangangasiwa ang SSS ng paseguruhang panlipunang pangkalinga sa mga manggagawa sa pribadong sektor. Sa madali't sabi, ang Paseguruhan ng mga Naglilingkod sa Pamahalaan (GSIS) ay nag-aaruga ng mga manggagawa sa publikong sektor.

Noong 1 Mayo 1997, nilagdaan ni Panulong Fidel V. Ramos ang Batas Republika Blg. 8282, na nagpapalakas ng SSS. Kinikilalang bilang Batas sa Paseguruhang Panlipunan ng 1997, sinusog ang Batas Republika Blg. 1161, na nagbibigay para sa mga magandang alok na inam, yumungmong ng saklaw, aligayot ng mga pamumuhunan, mas matinding parusa para sa mga lumalabag sa batas, pagpapatawad ng parusa ng mga pabayang amo at pagtatatag ng isang mapaglaang pondong pangkusang-loob para sa mga kasapi.

Ang Programang Himagal ng mga Manggagawa, nagsimula noong 1975, ay nagbibigay ng ibay na himagal na isinakatuparan sa Hunyo 1984 sa manggagawa na ang pagkasakit, kamatayan, o sakuna ay nangyari sa panahon ng mga gawaing may kaugnayan sa hanapbuhay.

Nagsilbi ang SSS sa pamamahala ng programang Medicare para sa pagpapaospital at mga iba pang pangangailangan sa paggagamot ng mga manggagawa sa pribadong sektor; at ang GSIS para sa mga manggagawa sa pampublikong sektor. Gayumpaman, nang dahil sa pagpasa ng Batas Republika Blg. 7875 o ang Batas ng Pambansang Segurong Pangkalusugan ng 1995, naglipat ang SSS at GSIS ng pamamahala ng programang Medicare sa Korporasyon ng Segurong Pangkalusugan ng Pilipinas (PhilHealth) para sa pinagsama at pangmalawakang paraan sa kaunlarang pangkalusugan na isinakatuparan sa Hulyo 1999.

Ang mga pensiyonado sa pagreretiro, kamatayan at may kapansanan ng SSS na dati nang nasakupan ng pagkahantong ng Batas Republika Blg. 7875 noong 4 Marso 1995 ay nagawaran ng mga inam sa pagpapaospital sa ilaim ng PhilHealth. Ang mga pensiyonado na umabot sa pagkahantong ng Batas Republika Blg. 7875 noong 4 Marso 1995 at kapagkuwan ay hindi saklaw maliban sa mga nakamit ang kwalipikasyon na kinakailangan na ipinataw ng PhilHealth.

Mga tagapangasiwa

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Simula ng panunungkulan Katapusan ng panunungkulan Pangalan
1955 1956 Manuel O. Hizon
1956 1957 Eleuterio L. Adevoso
1957 1958 Rodolfo P. Andal
1958 1959 Emeterio C. Roa, Sr.
1959 1962 Ramon G. Gaviola, Jr.
1962 1963 Rene Espina
1963 1965 Bernardino R. Abes
Hunyo 1965 Disyembre 1965 Jovino S. Lorenzo
1966 1986 Gilberto O. Teodoro
1986 1990 Jose L. Cuisia, Jr.
1990 1998 Renato C. Valencia
1998 2001 Carlos A. Arellano
Enero 2001 Hulyo 2001 Vitaliano N. Nañagas
2001 2008 Corazon S. De la Paz-Bernardo
2008 kasalukuyan Romulo S. Neri
  1. "The SSS Mandate". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2008-09-12. Nakuha noong 2009-05-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Legislative History of SSS". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2009-02-27. Nakuha noong 2009-05-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2009-02-27 sa Wayback Machine.

Mga panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]