Patakarang pang-salapi
Ang Patakarang pang-salapi (Ingles: Monetary policy) ay isang proseso kung saan ang autoridad na pang-salapi ng isang bansa ay kumokontrol sa suplay ng pera na kadalasang umaasinta o pumupuntirya sa isang antas ng interes para sa layuning pagtataguyod ng paglagong ekonomiko at pagiging matatag.[1][2] Ang opisyal na mga layundin ay karaniwang kinabibilangan ng relatibong matatag na mga presyo at mababang kawalang trabaho. Ang teoriyang pang-salapi ay nagbibigay ng kabatiran kung paano lumikha ng optimal na patakarang pang-salapi. Ito ay tinutukoy na isang kontraksiyonaryo kung saan ang patakarang ekspansiyonaryo(nagpapalawig) ay nagpapataas ng kabuuang suplay ng salapi sa ekonomiya ng mas mabilis kesa sa karaniwan at ang patakarang kontraksiyonaryo(nagpapaliit) ay nagpapalawig ng suplay ng salapi ng mas mabagal kesa sa karaniwan o kahit pinapaliit ito. Ang patakarang ekspansionaryo ay karaniwang ginagamit upang labanan ang kawalang trabaho sa isang resesyon sa pamamagitan ng pagbababa ng rate ng interes sa pag-aasang ang madaling kredito ay hihikayat sa mga negosyo na lumawig. Ang patakarang kontraksiyonaryo ay nilalayon na pabagalin ang inplasyon sa pag-aasang maiiwasan ang nagreresultang mga distorsiyon at paglala ng mga halaga ng asset.
Ang patakarang pang-salapi ay iba sa patakarang piskal(fiscal policy) na tumutukoy sa pagbubuwis, paggasta ng pamahalaan, at pag-utang ng pamahalaan. [3]
Konsepto
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang patakarang pang-salapi ay nakasalig sa relasyon sa pagitan ng mga antas ng interes sa isautangin at ang kabuuang suplay ng salapi. Ang patakarang pang-salapi ay gumagamit ng iba't ibang mga kasangkapatan upang kontrolin ang isa o pareho nito, upang impluwensiyahan ang mga kalalabasan tulad ng paglagong ekonomiko, inplasyon, mga rate ng palitan sa ibang mga kurensiya at kawalang trabaho. Kung ang kurensiya ay nasa ilalim ng isang monopolyo ng pag-iisyu, o kung mayroon isang nireregulang sistema ng pag-iisyu ng kurensiya sa pamamagitan ng mga bangko na nakatali sa isang bangko sentral, ang autoridad na pang-salapi ay may kakayahang magbago ng suplay ng salapi at kaya ay umiimpluwensiya sa antas ng interes upang makamit ang mga layunin. Ang panimula ng patakarang pang-salapi bilang gayon ay nagmumula sa huli nang ika-19 siglo kung saan ito ginamit upang panatilihin ang pamantayang ginto.
Ang isang patakarang ay tinutukoy na kontraksiyonaryo(nagpapaliit) kung ito ay nagpapaliit ng sukat ng suplay ng salapi o pinapataas ito nang mabagal o itinataas nito ang antas ng interes. Ang isang ekspansiyonaryo(nagpapalawig) ay nagpapataas ng sukat ng suplay ng salapi nang mas mabilis o nagbababa ng antas ng interes. Sa karagdagan, ang mga patakarang pang-salapi ay inilalalarawan ng sumusunod: akomodatibo, kung ang rate ng inters na itinakda ng sentral na autoridad na pang-salapi ay naglalayon sa lumikha ng paglagong ekonomiko; neutral kung ang layunin nito ay hindi lumikha ng paglagong ekonomiko o hindi labanan ang inplasyon; o mahigpit kung ang layunin nito ay paliitin ang inplasyon. May ilang mga kasangkapang ng patakarang pang-salapi na magagamit upang makamit ang mga layuning ito: pagtataas ng antas ng interes sa fiat, pagbababa ng basehang pang-salapi at pagtataas ng mga inaatasang reserba. Ang lahat ng mga ito ay epekto sa pagpapaliit ng suplay ng salapi at kung babaliktarin ay nagpapalawig ng suplay ng salapi. Simula mga 1970, ang patakarang pang-salapi ay pangkalahatang binuo ng hiwalay mula sa patakarang piskal. Kahit bago ang mga 1970, ang sistemang Bretton Woods ay sumisiguro pa rin na ang karamihan ng mga bansa ay bubuo ng dalawang mga patakarang ito nang hiwalay.
Sa loob ng halos lahat ng mga modernong bansa, ang mga espesyal na institusyon (gaya ng Sistema ng Reserbang Pederal sa Estados Unidos, Bangko ng Inglatera, Europeong Bangko Sentral, ang Bangko ng Tsina ng mga Tao at ang Bangko ng Hapon) ay umiiral na may gawaing magpatupad ng mga patakarang pang-salapi at kadalasang ay indepediyente sa Ehekutibong sangay ng pamahalaan. Sa pangkalahatan, ang mga institusyong ito ay tinatawag na mga bangko sentral at kadalasan ay may iba pang mga responsibilidad gaya ng pangangasiwa ng makinis na operasyon ng sistemang pinansiyal.
Ang pangunahing kasangkapan ng patakarang pang-salapi ang mga operasyon ng bukas na pamilihan. Ito ay nagdudulot ng pangangasiwa ng kantidad o bilang ng salapi na nasa sirkulasyon sa pamamagitan ng pagbili o pagbebenta ng iba't ibang mga instrumentong pinansiyal gaya ng mga treasury bill, bono o dayuhang kurensiya. Ang lahat ng mga pagbiling ito o pagbebenta ay nagreresulta sa mas marami o kaunting basehang kurensiyang pumapasok o lumilisan sa sirkulasyon ng pamilihan. Karaniwan, ang maikling panahong layunin ng mga operasyon ng bukas na pamilihan ay magkamit ng isang spesipikong terminong inaasintang antas ng interes. Sa ibang mga instansiya, ang patakarang pang-salapi ay maaaring bagkus na magdulot ng pag-aasinta ng isang spesipikong rate ng palitan relatibo sa isang dayuhang kurensiya o kundi ay relatibo sa ginto. Halimbawa, sa kaso ng Estados Unidos, ang Reserbang Pedral ay umaasinta ng rate ng mga pederal na pondo na rate kung saan ang mga kasaping bangko ay nagpapahiram sa bawat isa ng biglaan. Gayunpaman, ang patakarang pang-salapi ng Tsina ay umasinta sa rate ng palitan sa pagitan ng renminbi ng Tsina at isang basket ng mga dayuhang kurensiya. Ang iba pang mga pangunahing paraan ng pagsasagawa ng patakarang pang-salapi ay kinabibilangan ng bintanang diskuwentong pagpapahiram (nagpapahiram ng huling dulugan; (ii) praksiyonal na depositong pagpapahiram (mga pagbabago sa kinakailangang reserba); (iii) Moral na suasion (panghihikayat ng ilang mga manlalaro ng pamilihan upang makamit ang mga tinutukoy na kalalabasan); (iv) "Mga operasyong bukas na bibig" (nagsasalitang patakarang pang-salapi sa pamilihan).
Teoriya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang patakarang pang-salapi ang proseso kung saan ang pamahalaan, bangko sentral o autoridad na pang-salapi ng isang bansa ay kumokontrol ng (i) suplay ng salapi, (ii) pagiging makukuha ng salapi at (iii) gastos ng salapi o antas ng interes upang makamit ang isang hanay ng mga layunin na nakapokus tungo sa paglago at pagiging matatag ng ekonomiya. Ang teoriyang pang-salapi ay nagbibigay ng kabatiran kung paano lumikha ng optimal na patakarang pang-salapi. Mahalaga para sa mga mambabatas na gumawa ng mga kapapani paniwalang pahayag. Kung ang mga pribadong ahente(mga mamimili at mga negosyo) ay naniniwalang ang mga mambababatas ay magsasagawa ng pagbababa ng inplasyon, kanilang aasahan ang mga pang-hinaharap na presyo na mas mababa kesa sa kund(kung paanong ang mga pag-asang ito ay nabuuo ay buong ibang bagay; ikumpara halimbawa ang mga makatwirang ekspektasyon sa adaptibong ekspektasyon). Kung ang isang empleyado ay umaasang ang mga presyo na magiging mataas sa hinaharap, ito ay huhugot ng isang kontrata ng sahod na may mataas na sahod upang tugmaan ang mga presyong ito. Kaya ang ekspektasyon ng mas mababang mga sahod ay makikita sa pag-aasal na nagtatakda ng sahod sa pagitan ng mga empleyado at amo(mas mababang sahod dahil ang mga presyo ay inaasahang mas mababa) at dahil ang mga sahod ay sa katotohanan mas mababa, walang inplasyong paghilang pangangailangan dahil ang mga empleyado ay tumatanggap ng mas maliit na sahod at walang inplasyong nagtutulak ng gastos dahil ang mga amo ay nababayad ng kaunti sa mga sahod. Upang makamit ang mababang lebel na ito ng inplasyon, ang mga mambabatas ay dapat magkaroon ng kapani-kapaniwalang mga pahayag, na ang ibig sabihin, ang mga pribadong ahente ay dapat maniwala na ang mga pahayag na ito ay makikita sa aktuwal na patakarang sa hinaharap. Kung ang isang pahayag tunbgkol sa mga pag-aasinta ng mababang lebel na inplasyon ay ginawa ngunit hindi pinaniwalaan ng mga pribadongahente, ang pagtatakda ng sahod na pag-aasal ay aasa sa mataas na lebel na inplasyon at kaya ang mga sahod ay mas mataas at ang inplasyon ay tataas. Ang isang mataas na sahod ay magtaas ng pangangailangan ng konsumer(inplasyong paghilang pangangailangan) kaya ang inplasyon ay tataas. Kaya kung ang mga pahayag ng mga mambabatas ay hindi kapani paniwala ang patakaran ay hindi magkakaroon ng ninanais na epekto. Kung ang mga mambabatas ay naniniwalang ang mga pribadong ahente ay umaasa sa mababang inplasyon, ang mga ito ay may pabuya na kumuha ng isang ekspansiyonista o nagpapalawig na patakarang pang-salapi(kung saan ang marhinal na pakinabang) ng tumaas na ekonomikong output ay humihigit sa marhinal na gastos ng inplasyon). Gayunpaman, kung ipagpapalagay na ang mga pribadong ahente ay may mga makatwirang ekpekstasyon, alam ng mga ito na ang mga mambabatas ay may pabuyang ito. Kaya alam ng mga pribadong ahente na kung kanilang aasahan ang mababang inplasyon, ang isang patakarang ekspansiyonista o nagpapalawig ay kukunin na magsasanhi ng isang pagtaas sa inplasyon. Dahil dito(malibang kung gagawin ng mga mambabatas ang kanilang pahayag ng mababang inplasyon na kapani-paniwala), ang mga pribadong ahene ay aasa sa mataas na inplasyon. Ang pag-asang ito ay natutupad sa pamamagitan ng adaptibong ekspektasyon(pag-aasal na nagtatakda ng sahod), kaya may mas mataas na inplasyon(nang walang pakinabang ng tumaas na output). Kaya malibang ang mga kapani-paniwalang mga pahayag ay magawa, ang patakarang ekspansiyonaryong pang-salapi(nagpapalawig) ay mabibigo.
Ang mga pahayag ay maaaring gawing kapani paniwala sa iba't ibang mga paraan. Ang isa ay magtatag ng isang independiyenteng bangko sentral na may mga inaasintang mababang inplasyon(ngunit walang mga inaasintang output). Kaya alam ng mga pribadong ahente na ang inplasyon ay magiging mababa dahil ito ay itinakda ng isang katawang independiyente. Ang mga bangko sentral ay maaaring bigyan ng mga pabuya upang matagpo ang mga inaasinta(halimbawa, ang mas mataas na mga badyet, isang bonus ng sahod para sa pagpapatupad ng layuning patakaran. Ang reputasyon ay isang mahalagang elemnto sa pagpapatupad ng patakarang pang-salapi. Ngunit ang ideya ng reputasyon ay hindi dapat ikalita sa commitment. Bagaman ang isang bangko sentral ay maaaring mayroon isang nakapapabor na reputayson sanhi ng mabuting pagganap sa pagsasagawa ng patakarang pang-salapi, ang parehong bangko sentral ay maaaring hindi pumili ng anumang partikular na commitment(gaya ng pag-aasinta ng ilang mga saklaw para sa inplasyon). Ang reputasyon ay gumagampan ng isang mahalagang papel sa pagtukoy kung gaanong ang mga pamilihan ay maniniwala sa pahayag ng isang partikular na commitment sa isang pakarang layuni ngunit ang parehong mga konsepto ay hindi dapat gawing pareho. Gayundin, dapat tandaan na sa ilalim ng mga makatwirang ekspektasyon, hindi kinakailangan para sa mambabatas na magtatag ng reputasyon nito sa pamamagitan ng mga nakaraang aksiyong patakaran. Bilang halimbawa, ang reputasyon ng pinuno ng bangko sentral ay maaaring mahango ng buo mula sa kanyang ideolohiya, background na propesyonal, mga pahayag sa publiko etc.
Ang katunayan, ikinatwiran[4] na mapigilan ang ilang mga patolohiya na uugnay sa kawalang konsitensiya ng panahon ng pagpapatupad ng patakarang pang-salapi(sa partikular ang labis na inplasyon), ang puno ng bangko sentral ay dapat may isang malaking pagkasuya para sa inplasyon kesa sa natitirang ekonomiya sa aberahe. Kaya ang reputasyon ng isang partikular na bangko sentral ay hindi kinakailangang nakatli sa nakaraang pagganap, kundi bagkus ay sa partikular na kaayusang institusyonal na magagamit ng mga pamilihan upang bumuo ng mga ekpektasyon ng inplasyon. Sa kabilang ng palaging talakayan ng kredibilidad kung paano ito nauugnay sa patakarang pang-salapi, ang eksaktong kahulugan ng kredibilidad ay bihirang inilalarawan. Ang gayong kawalan ng pagiging malinaw ay maaaring magsilbi na ilihis ang patakaran mula sa paniniwalaang pinaka mapakikinabangan. Halimbawa, ang kakayahan na magsilbi sa interes ng publiko ay isang kahulugan ng kredibilidad na karaniwang nauugnay sa mga bangko sentral. Ang pagiging maasahan kung saan ang bangko sentral ay tumutupad sa mga pangako nito ay isa ring karaniwang kahulugan. Bagaman ang bawat isa ay pinaka malamang na aayon na ang bangko sentral ay hindi dapat magsinungaling sa publiko, ang malawaka na hindi pagkakasunduan ay umiiral kung paanong ang isang bangko sentral ay pinakamahuseres ng publiko. Kaya ang kawalan ng kahulugan ay maaaring magpaniwala sa mga tao na sila ay sumusuporta sa isang partikular na patakaran ng kredibilidad kung sila ay talagang sumusuporta sa isa pa. [5]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Monetary Policy". Federal Reserve Board. Enero 3, 2006.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Monetary and Exchange Rate Policies". Handbook of Development Economics, Elsevier. 2010.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "B.M. Friedman, "Monetary Policy," Abstract.". International Encyclopedia of the Social & Behavioral Sciences. 2001. pp. 9976–9984.
{{cite ensiklopedya}}
: External link in
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)|title=
- ↑ Rogoff, Kenneth, 1985. "The Optimal Commitment to an Intermediate Monetary Target", Quarterly Journal of Economics 100, pp. 1169–1189
- ↑ Forder, James (Disyembre 2004). ""Credibility" in Context: Do Central Bankers and Economists Interpret the Term Differently?" (PDF). Econ Journals Watch. Inarkibo mula sa ang orihinal (pdf) noong 2009-03-26.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)