Pumunta sa nilalaman

Pesaḥ

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Hapag na nakahanda para sa Pesaḥ

Ang Pesaḥ (Ebreo: פסח) ay isang pagdiriwang sa Hudaismo kung kailan ipinagdidiriwang ang isang kaganapan sa Eksodo: ang paglaya ng mga Israelita mula sa pagkakaalipin sa Ehipto.[1] Isa itong kapistahan o pestibal ng mga Israelita nagaganap tuwing ika-15 na araw ng buwan ng Nisan. Tumatagal ang Pesaḥ nang walong araw. Tinatawag ding Pista ng Matsot ang kapistahang ito, kung kailan hindi kumakain ang mga Hudyo ng tinapay na may pampaalsa.[2]

Ikalawang Pesaḥ

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Itinatag ni Moshe (Kinatsila: Moisés) ang Ikalawang Pesaḥ upang pahintulutan ang mga Hudyo ng sinaunang panahon na makabawi para sa kanilang di-pagkayang mag-alay sa Templo sa Herusalen. Karaniwan na itong hindi minamasdan sa kasalukuyang panahon matapos wasakin ng mga Romano ang Templo sa Herusalen.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Siddur Koren. 2009. Koren: Herusalen.
  2. Stern, Lisë. 2004. How to Keep Kosher. William Morrow: Lungsod ng New York.

Mga panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Hudaismo Ang lathalaing ito na tungkol sa Hudaismo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.