Pumunta sa nilalaman

Petalita

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Petalite)
Ang isang uri ng petalite na mukhang yelo.


Ang petalita (Ingles: petalite, /pe-ta-layt/), na kilala rin bilang kastorita (Ingles: castorite, /kas-to-rayt/), ay isang litiyo-aluminyo- tektosilikatong mineral (LiAlSi4O10), na nabibilang sa sistemang monokliniko. Kasapi ito ng pangkat na peldspatoyda. Puwedeng walang kulay ito, kulay-abo, dilaw, at puti, na nasa hugis ng mga malalaking tipak at katulad ng mga masang kolumnar. Maaari itong pegmatitang nagtatangan ng mga litiyo na may ispodumene, lepidolita, at turmalina. Isang mahalagang bato ito ng litiyo. Kadalasang ginagamit na batong hiyas ang mga mga walang kulay.

Nadiskubre ito noong 1800 sa Pulo ng Utö, Haninge, sa Estocolmo, Sweden. Nagmula ang pangalan nito sa petalon, ang Griyegong katawagan para sa dahon.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Agham Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.