Parmakolohiya
Ang parmakolohiya[1] ay isang sangay ng panggagamot at isang agham na tumatalakay sa mga gamot kabilang ang mga epekto, gamit, mga timpla, sangkap o komposisyon ng mga ito. Tinatawag na parmakologo o parmakolohista ang mga dalubhasa sa larangang ito. Tinaguriang botika, parmasiya, o parmasya ang tindahan o pook na pinaghahandaan ng mga gamot. Ginagawa rin sa tindahan ng gamot ang paghahanda, pagtitimpla at paglulunas sa pamamagitan ng mga gamot. Tinatawag namang botikaryo, parmasyotiko, parmasyotika, o parmasyotista ang mga taong dalubhasang naghahanapbuhay sa isang botika at may kasanayan sa tamang pagtitimpla ng mga gamot.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Pharmacology, pharmacologist, pharmacy, pharmacist, pharmaceutist Naka-arkibo 2011-07-11 sa Wayback Machine., Gabby's Dictionary, GabbyDictionary.com
Ang lathalaing ito na tungkol sa Panggagamot ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.