Philippine Youth Congress In Information Technology
Ang Philippine Youth Congress in Information Technology o Y4IT ay ang taunang pagpupulong na ginaganap sa Pilipinas na binubuo ng Information Technology Traning Center ng Unibersidad ng Pilipinas (UP ITTC). Taun-taong dinadaluhan ito ng mga libu-libong propesyunal at estudyante sa larangan ng teknolohiyang pang-impormasyon mula sa bansa. Pinamumunuan ang kumbensyong ito ng UP ITTC kasama ang Philippine Society of IT Educators (PSITE), Computing Society of the Philippines (CSP), at ang UP ITTC Student Volunteer Corps.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang kumbensyong ito ay nagsimula bilang 2003 IT Student Congress na ginanap noong Setyembre 2 at 3 sa University Theater ng UP Diliman, Lungsod Quezon. Dinaluhan ito ng 5,000 mga katao sa bansa. Kada taon tumataas ang bilang ng mga dumadalo na nakikinabang sa dumarami ding mga bilang ng mga lektura.
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Y4iT iskWiki! entry Naka-arkibo 2011-08-18 sa Wayback Machine.
- Y4iT Website Naka-arkibo 2016-11-16 sa Wayback Machine.
- Y4iT Facebook
- Y4iT Friendster[patay na link]
- Y4iT Twitter
- UP Information Technology Training Center Naka-arkibo 2009-06-27 sa Wayback Machine.
- UP Department of Computer Science
- TCA Engineering Department & Computer Studies[patay na link]
- PSITE Naka-arkibo 2011-07-27 sa Wayback Machine.
- CSP
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.