Pumunta sa nilalaman

Pidyok

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang pidyok ay isang uri ng kalokohan kung saan nakadaop ang dalawang kamay habang nakataas ang hintuturo at tangkain na ipasok ito sa puwitan ng biktima habang hindi siya nakatingin. Ang kalokohang ito ay karaniwang ginagawa sa bansang Hapon.

Pinagmulan ng salita

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang salitang ito ay galing sa salitang tumbong.

Tinatawag din ito bilang katsibong, bombet, bembong o jempot.

Sa Hapon, ito ay tinatawag na Kancho (カンチョー). Ito ay salitang balbal na hiniram sa katawagang pangmedisina na kanchō(浣腸), na nakasulat sa Kanji, na ang ibig sabihin ay labatiba. Habang ang kasulatang Katakana ay tumutukoy sa kalokohang ito, ang sulat Kanji naman ay tumutukoy naman sa pangmedisinang katawagan nito.

Sikat ang gawaing pamimidyok sa Hapon. Merong mga anime na niluluwalhati pa ang ganitong gawain, gaya ng sa Naruto na tinatawag pa itong Sanlibong Taon ng Pagdurusa. Meron ding mga gameshow pantelebisyon kung saan namimidyok ng kung sinumang tao ang mga artista.

Sa Korea naman ito ay tinatawag na ttong chim (똥침, minsan sinasa-Romano bilang ddong chim) na ang ibig sabihin ay taeng karayom o panlilinis ng tae depende sa gamit.

Karaniwan, ang gawaing ito ay isang kalokohang pambata. Ngunit merong mga bansa na pinagbabawal ang gawaing ito at maaaring makasuhan ng sekswal na panliligalig sa paggawa nito.

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]



Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.