Pumunta sa nilalaman

Pilosopiya ng Islam

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Pilosopiyang Islamiko)

Ang pilosopiya ng Islam ay isang sangay ng araling pang-Islam hinggil sa Koran. Ito ay ang tuluy-tuloy na paghahanap ng Hikma (Arabe: حكمة‎), na nangangahulugang karunungan, na ayon sa pang-Islam na pananaw hinggil sa kahulugan ng buhay, uniberso, etika, lipunan, at iba pa. Ang pilosopiyang Islamiko, na nauunawaan bilang isang "proyekto ng malayang pagsisiyasat o nagsasariling pag-uusisang pampilosopiya" ay nagsimula sa Baghdad noong kalagitnaan ng ika-8 daantaon.[1]

Ang pilosopiyang pang-Islam ay tumutukoy sa pilosopiya nagawa o nalikha sa loob ng isang lipunang Islamiko. Hindi ito kinakailangang nakatuon o sumasaalang-alang sa mga paksang panrelihiyon, o tanging nilikha lamang ng mga Muslim.[2] Ayon sa ipinahihiwatig ng pariralang "pilosopiya ng Islam", tumutukoy ito sa gawaing pampilosopiya sa loob ng kapalagirang pang-Islam. Ang pangunahing mga pinanggalingan ng klasikal o maagang pilosopiyang Islamiko ay ang relihiyon mismo ng Islam (natatangi na ang mga ideyang hinango at inunawa o ipinaliwanag magmula sa Koran), ang pilosopiyang Griyego na namana ng sinaunang mga Muslim bilang resulta ng mga pananakop nila nang napailalim sa mga Muslim ang Alexandria, ang Syria at ang Jundishapur, kasama na ang mga pilosopiya ng India at ng Iran bago pa man dumating ang Islam. Marami sa naunang mga debateng pampilosopiya sa paligid ng pagsusuwato o pagtutugma ng relihiyon at ng katwiran, na ang katwiran ay ipinapakitang halimbawa sa pilosopiyang Griyego. Ang isang aspetong nagiging lantad na lantad sa pilosopiyang Islamiko ay: na ang pilosopiya ng Islam ay naglalakbay nang malawak ngunit nagbabalik na tumatalima o umaalinsunod sa Koran at sa Sunna.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Pasnau, Robert (2010). "Introduction". The Cambridge History of Medieval Philosophy. Cambridge, UK: Cambridge University Press. p. 1. ISBN 978-0-521-76216-8.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Oliver Leaman, Routledge Encyclopedia of Philosophy.


IslamPilosopiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Islam at Pilosopiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.