Pinakapapaborang bansa
Sa pandaigdigang ekonomikong ugnayan at pulitika, ang "pinakapapaborang bansa"[1] (Ingles: "most favoured nation", dinadaglat: MFN) ay ang katayuan o antas ng pagtratong ibinibigay ng isang bansa sa iba pang bansang nakikipagkalakalan sa kaniya. Ang katagang ito'y nangangahulugan na ang isang bansang tumanggap ng naturang katayuan, ay kailangang mabigyan ng patas na bentaheng makipagkalakalan bilang "pinakapapaborang bansa" ng bansang nagbigay ng naturang pagtrato. Kabilang sa mga bentaheng ibinibigay ay mabababang taripa o mataas na quota sa pag-aangkat. Sa ganitong palagay, ang bansang binigyan ng MFN ay hindi maaaring tratuhin ng higit na mababa kaysa sa iba pang bansang may ganito ring katayuan ng bansang nagbigay nito. May debateng legal kung ang mga tinatadhana ng MFN sa bilateral na kasunduang pangpamumuhunan ay naglalaman ba ng mga pagtatakda o pati rin ng mga pamamaraang pamproteksiyon.[2]
Nagkasundo ang mga kasapi ng World Trade Organization (WTO) na bigyan ng MFN ang bawat isa. Ang mga kataliwasan ay nagbibigay ng pagtatanging pagtrato sa mga umuunlad na bansa, mga panrehiyong free trade area, at mga unyong pang-adwana.[3] Kaagapay ng prinsipyo ng pambansang pagtrato, ang MFN ay isa sa haligi ng batas pangkalakalan ng WTO.
Pinalalawig ng mga ugnayang MFN ang resiprokal na ugnayang bilateral alinsunod sa reciprocity at non-discrimination na nakasanayan sa GATT at WTO. Sa bilateral na ugnayang resiprokal, ang isang pribilehiyo ay maaaring lang ibigay ng isang partido sa mga partidong magbibigay rin ng katulad na pribilehiyo, habang sa multilateral na ugnayang resiprokal ang katulad na pribilehiyo ay ibibigay sa isang pangkat na nakipagkasundo rito para sa isang partikular na pribilehiyo. Ang non-discriminatory komponent ng GATT/WTO ay gumagamit ng sinusukliang napagkasunduang pribilehiyo sa lahat ng kasapi ng GATT/WTO nang hindi isinasaalang-alang ang kanilang katayuan sa pakikipag-usap ng kanilang pribilehiyo.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Treaty Series 2108 I: 36655-36674. United Nations. 2002. p. 43.
5. Ang mga investor ng alinman sa magkabilang nagkakasundong Bansa ay magtatamasa ng pagtratong pinaka-papaborang bansa sa loob ng bansa ng kabilang nagkakasundong Bansa, tungkol sa mga na itinatakda sa Artikulong ito. (Idinagdag ang pagdiin)
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ McCloure, Mike (Hulyo 25, 2011). "Most Favoured Nation Clauses – No favoured view on how they should be interpreted" (sa wikang Ingles). Kluwer Arbitration Blog. Inarkibo mula sa ang orihinal noong Oktubre 7, 2011. Nakuha noong Hulyo 26, 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Regional Trade Agreements: Goods Rules". World Trade Organization. 1994.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)