Pumunta sa nilalaman

PinoyCentric

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang PinoyCentric ay isang web log o blog na nakatuon sa sining, kultura at mga agham ng Pilipinas. Bilang palimbagan elektroniko na naka-himpil sa Chicago, Illinois sa Estados Unidos, itinataguyod nito ang mga larawan, balita, pangunahing mga pangyayari, kuwento at talakayan hinggil sa katayuan ng sining na mamamasid, pampelikula, pampanitikan at itinatanghal sa loob at labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng internet.

Ang ninuno ng PinoyCentric ay ang websayt na Ambibo (2000) na itinatag ni Armand Bengua-Frasco noong Setyembre 2006. Isang tanyag na tagakuha ng mga larawan at mamamahayag si Bengua-Frasco na nagkamit ng maraming premyo at parangal. Tubong Lungsod ng Dipolog, Zamboanga del Norte si Bengua-Frasco, at isa ring tagapamahayag ng pamahayagang Philippine Daily Inquirer.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Iba pang mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]