Pisikang nilapat
Ang pisikang nilapat (Ingles: applied physics) ay pisikang inilaan para sa isang partikular na teknolohikal o praktikal na paggamit. Ito ay karaniwang itinuturing bilang isang tulay o isang koneksyon sa pagitan ng sipnayan at inhenyeriya.
Ang "nilapat" ay naiiba mula sa “puro” sa pamamagitan ng dalubhasang kombinasyon ng mga kadahilanan tulad ng pagganyak at saloobin ng mga mananaliksik at mga katangian ng relasyon sa teknolohiya o agham na maaaring maapektuhan ng trabaho. Ito ay karaniwang naiiba sa inhenyeriya, ang isang pisiko sa pisikang nilapat ay maaaring hindi magdisenyo ng isang bagay na partikular ngunit sa halip ay gumagamit ng pisika o magsagawa ng pananaliksik na may layunin na magbuo ng mga bagong teknolohiya o maglutas ng isang problema sa inhenyeriya. Ang pisikang nilapat ay nakaugat sa mga pangunahing katotohanan at mga pangunahing konsepto ng pisikal na agham ngunit nakatuon sa maayos na paggamit ng mga prinsipyong pang-agham para sa mga praktikal na mga aparato at mga sistema.
Ang pisiko sa pisikang nilapat ay maaaring maging interesado sa paggamit ng pisika para sa siyentipikong pananaliksik. Halimbawa, sa larangan ng accelerator physics maaaring magbigay ito ng kontribusyon sa pananaliksik sa larangan ng pisikang teoretikal sa pamamagitan ng pagdisenyo at konstruksiyon ng mga high-energy collider.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pisika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.