Pumunta sa nilalaman

Pista ng Buyogan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Pista ng Buyogan ay ginaganap sa Abuyog, Leyte sa Pilipinas tuwing Agosto.

Pista ng Buyogan

Ipinagdiriwang ang Pista ng Buyogan tuwing ika-19 ng Agosto sa Abuyog, Leyte.[1]

Tampok sa pista ay ang Buyogan Parade na nilalahukan ng iba't ibang grupo na nagsusuot ng mga makukulay na kasuotan na nakabase sa mga hugis at kulay ng mga bubuyog. Mayroong mga kalahok na may pintura ang mukha at katawan na tulad ng mga katutubong disenyo.[2]

Tema ng pagdiriwang

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Inilalarawan ng Pista ng Buyogan ang kasaysayan ng bayan ng Abuyog.[2]

Ayon sa kasaysayan ay sinalubong ng mga katutubo ang mga Kastilang dumaong sa bukana ng ilog upang kumuha ng mga panustos. Tinanong ng mga Kastila ang mga katutubo kung ano ang pangalan ng lugar subalit akala ng mga katutubo ay tinatanong sila tungkol sa pangalan ng insekto kaya't sinagot nila ang mga Kastila ng "buyog". Inulit ng mga Kastila ang sinabi ng mga katutubo at ang kanilang nabigkas ay "Ah! Buyog". Simula noon ay naging iyon na ang pangalan ng lugar.[2]

Pagsali sa ibang pagdiriwang

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Pista ng Buyogan sa Pintados Kasadyaan noong 2016

Naimbitahan ang Pista ng Abuyog ng International Association for Human Values (IAHA) ng Malaysia na lumahok sa World Culture Festival noong Marso 11-13, 2016 sa New Delhi, India. Ito ang unang pagkakataon na makakasali ang Pilipinas sa naturang pandaigdigang kaganapan.[3]

Naging kampeon ang Pista ng Buyogan sa unang Pista ng Kasadyaan ng Leyte noong Oktubre 1996. Naging Hall of Famer ito matapos maging kampeon ng limang beses. Noong 2009 ay naging kampeon ang Pista ng Buyogan sa sa kategorya ng free interpretation at pinakamagaling sa street dancing sa Pista ng Sinulog ng Lungsod ng Cebu. Noong 2015 ay nanalo ang Pista ng Buyogan sa Sinulog at Pintados-Kasadyaan.[3] Nagkampeon ang Pista ng Buyogan sa Kasadyaan Pista ng mga Pista ng Leyte noong 2024.[4][5]

Noong 2012 ay natamo ng Pista ng Buyogan ang ikalawang puwesto sa Aliwan Fiesta sa Maynila. [6]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Calendar of Philippine Festivals and Monthly Observances / Theme". Tourism Promotions Board Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 2023-09-27. Nakuha noong 2024-07-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 Basco, Mario D. (Agosto 26, 2015). "Buyogan Festival umarangkada". Philstar.com. Nakuha noong 2024-07-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  3. 3.0 3.1 Master, Web (2016-01-30). "Buyogan Festival receives invite to a world gathering in India". Leyte Samar Daily News. Nakuha noong 2024-07-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  4. "Buyogan Festival tops Kasadyaan 2024". Manila Bulletin. 2024-06-28. Nakuha noong 2024-07-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  5. "2024 Pintados-Kasadyaan Festival of Festivals: Buyogan Festival Grabbed the Top Prize". Province of Leyte. 2024-07-02. Nakuha noong 2024-07-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  6. Go, Vincent (2012-04-21). "Philippine festivals in showdown at Aliwan". VERA Files. Nakuha noong 2024-07-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
[baguhin | baguhin ang wikitext]