Pumunta sa nilalaman

Pista ng Moriones

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Moriones ng Marinduque

Ang Moriones ay isang taunang pista na ginaganap tuwing Mahal na Araw sa pulo ng Marinduque, Pilipinas. Sa Moriones, nakadamit at nakamaskara ang mga tao bilang mga sundalong Romano ayon sa nasaad sa Bibliya sa kuwento ng pagpapasakit ni Hesus. Naging inspirasyon ang Moriones or Moryonan para gumawa ng iba pang mga pista sa Pilipinas kung saan ang mga pang-kalinangang gawi ay nagiging pista sa lansangan.[1] Hango ang salitang Moriones mula sa salakot noong ikalabing-anim at ikalabingpitong siglo na morion.[2]

Ang pistang ito ay sinasariwa ang buhay ni Longinus, isang senturyong Romano. Ang mga kaganapan ng pista ay nagsisimula ng Lunes Santo at nagtatapos ng Pasko ng Pagkabuhay.[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "MARINDUQUE'S THRUST FOR CULTURAL & TOURISM DEVELOPMENT - Sa Ingles". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-06-21. Nakuha noong 2017-04-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Cinco, Maricar (13 Abril 2014). "Last of Moriones mask makers looking for heirs" (sa wikang Ingles). Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 17 Oktubre 2014.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Moriones Festival-Marinduque