Pumunta sa nilalaman

Planetaryo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isang gusaling planetaryo.
Halimbawa ng isang maliit na planetaryo.

Ang planetaryo[1] o planetaryum[2] (Ingles: planetarium) ay isang tanghalan o gusali kung saan makakatanaw ang isang tao ng mga gumagalaw na mga larawan ng kalangitan o kalawakan kabilang ang mga bituin at mga planeta.[3]

Kahugis ng itinaob na mangkok ang bubungan ng isang makabagong planetaryo. Makikita na ang loob ng simboryong ito ang isang bilog na panoorang pampelikula. Dito ipinapalabas ang mga tala at mga planeta habang gumagalaw. Mayroong mga palabas o panoorin ang planetaryo na nagpapakita ng kung paano natatanaw ng mga sinaunang mga tao ang kalangitan, sapagkat naglalagay ang mga naghanda ng palabas ng mga larawang-guhit ng mga hayop, tao, o diyos na kumakatawan sa mga konstelasyon o kapisanan ng mga bituin at mga tala.[3][4]

Terminolohiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Hindi palagiang tumutukoy ang salitang planetaryo o planetarium sa isang pook na nagpapalabas ng kalangitan, kalawakan, mga bituin at mga planeta. Sa payak na kahulugan nito, maaari ring tawaging "planetaryo" ang isang modelo ng Daigdig na siya namang ini-inugan ng isang modelo ng Buwan; o kaya mga maliliit na modelo ng iba pang mga planeta, isa man o maramihan, na nagsisi-inog sa palibot ng Araw.[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. English, Leo James (1977). "Planetaryo, mula sa Kastilang planetario". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Literal na baybay ayon sa ortograpiya
  3. 3.0 3.1 3.2 "Planetarium". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Constellation", kapisanan ng mga talà't bituin Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine., Tagalog English Dictionary, Bansa.org
[baguhin | baguhin ang wikitext]