Pumunta sa nilalaman

Plaskang Florencia

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Iginuhit na hugis at anyo ng karaniwang plaskang Florencia.

Ang plaskang Florencia o praskong pakuluan ay isang uri ng plaska[1] o prasko[2]. Isa itong piraso ng kagamitang panglaboratoryong babasagin na yari sa salamin na ginagamit na lalagyan ng mga solusyong kimikal. Mayroon itong bilugang katawan na may mahabang leeg. Kalimitang gawa ito na mayroong sukat na 1 litrong bolyum. Maaaring bilugan o lapad ang pinakapuwitan o ilalim nito. Ang isang plaskang Florencia na may puwitang sapad ay nakakatayo ng mag-isa sa ibabaw ng patag na kalatagan. Samantala, kailangan naman ng suporta ng mga Florenciang plaskang may bilugang ilalim upang makatayo ng tuwid at patindig.

Idinisenyo ang plaskang ito upang magkaroon ng pantay na pag-init sa loob at para sa maginhawang pagpapaikot ng likido. Ginagawa ito na may sari-sari at iba't ibang kapal ng salamin upang makatagal sa magkakaibang uri ng paggamit. Kalimitang yari ito sa salaming borosilikado upang maiwasan ang mga lamat o pagkasira ng salamin. Pinangalanan ang plaska mula sa Florencia, Italya. Karaniwang walang ugpungang salamin ang mga nakaugalian o tradisyonal na yari ng mga plaskang Florencia sa kanilang mahahabang mga leeg, ngunit karaniwang mayroong bahayagyang labi sa palibot ng dulo ng leeg.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Gaboy, Luciano L. Flask, plaska - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. Blake, Matthew (2008). "Flask, prasko". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), nasa flask Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine.

Kimika Ang lathalaing ito na tungkol sa Kimika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.