Platypus
Platypus[1] | |
---|---|
Katayuan ng pagpapanatili | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | |
Kalapian: | |
Hati: | |
Orden: | |
Pamilya: | |
Sari: | Ornithorhynchus Blumenbach, 1800
|
Espesye: | O. anatinus
|
Pangalang binomial | |
Ornithorhynchus anatinus (Shaw, 1799)
| |
Platypus range (blue — native, red — introduced) |
Ang platypus (Ornithorhynchus anatinus) ay isang semi-akwatikong mamalya na endemiko sa silangang Australia kabilang ang Tasmania. Ito ay kasama ng mga apat na espesye ng echidna at ang isa sa limang mga nabubuhay na espesye ng monotreme na mga tanging mamalya na nangingitlog imbis na manganak gaya ng ibang mga mamalya. Ito ang tanging representatibo ng pamilya nito (Ornithorhynchidae) at henus (Ornithorhynchus) bagaman ang isang bilang ng mga kaugnay na espesye ay natuklasan sa fossil rekord. Ang hindi karaniwang hitsura ng nangingitlog na mamalyang ito, nakalalason, may ngusong pato, may buntot ng beaver at may paa ng otter na mamalya ay isang palaisipan sa mga Europeong naturalista nang ang mga ito ay natukalasan na ang ilan ay tumuring ditong isang detalyadong pandaraya. Ito ang isa sa ilang mga nakalalasong mamalya na ang lalake nito ay may isang spur sa likod na paa na naghahatid ng isang lason(venom) na may kakayahang magsanhi ng matinding sakit sa mga tao. Ang walang katulad na mga katangian ng platypus ay gumagawa ritong isa sa mahalagang paksa ng pag-aaral ng biolohiyang ebolusyonaryo at isang makikilala at ikonikong simbolo ng Australia.
Ebolusyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga modernong monotreme ay mga nakapagpatuloy na hayop(survivor) ng isang simulang pagsasanga ng punong mamalya at ang isang kalaunang pagsasanga ay inakalang tumungo sa mga pangkat na marsupial at placental.[2][3] Ang orasang molekular at pagpepetsa ay nagmumungkahing ang mga platypus ay humiwalay mula sa mga echidna noong mga 19–48 milyong taon ang nakalilipas.[4]
| |||||||||||||||||||||
Relasyong ebolusyonaryo sa pagitan ng platypus at ibang mga mamalya.[5] |
Ang pinakamatandang natuklasang fossil ng mga modernong platypus ay may petsang bumabalik sa mga 100,000 taon ang nakalilipas sa panahaong Kwaternaryo. Ang mga ekstinkts na monotreme na Teinolophos at Steropodon ay malapit na nauugnay sa mga modernong platypus.[6] Ang fossiladong Steropodon ay natuklasan sa Bagong Timog Wales, Australia at binubuo ng mga opalisadong mababang buto ng panga na may tatlong mga ngiping molar samantalang ang mga kontemporaryong platypus ay walang ngipin. Ang ngiping molar ay simulang inakala na tribospeniko na susuporta sa isang bariasyon ng teoriya ni Gregory ngunit ang kalaunang pagsasaliksik ay nagmungkahing bagaman may mga tatlong cusp, ang mga ito ay nag-ebolb sa ilalim ng isang hiwalay na proseso.[7] Ang fossil ay inakalang mga 110 milyong taon ang nakalilipas na nangangahulugang ang tulad ng platypus na hayop ay buhay noong panahong Kretaseyoso na gumagawa ritong pinakamatandang fossil na natagpuan sa Australia. Ang Monotrematum sudamericanum, na isa pang fossil na kamag-anak ng platypus ay natagpuan sa Arhentina na nagpapakitang ang mga monotreme ay umiiral sa superkontinenteng Gondwana nang ang Timog Amerika at Australia ay magkadugtong sa pamamagitan ng Antarctica hanggang mga 167 milyong taon ang nakalilipas.[7][8]
Dahil sa simulang diberhensiya mula sa mga mamalyang Theria at ang mababang bilang ng mga umiiral na espesyeng monotreme, ang platypus ay karaniwang paksa ng pagsasaliksik sa biolohiyang ebolusyonaryo. Noong 2004, ang mga mananaliksik ng Australian National University ay nakatuklas ng platypus na may sampung kromosoma ng kasarian kumpara sa karamihan ng mga mamalya na may XY. Halimbawa, ang isang platypus ay palaging may XYXYXYXYXY,[9] bagaman ang kromosoma ng kasarian ng mga platypus ay mas katulad ng mga kromosomang kasarian ng mga ibon na ZW.[10] Ang genome ng platypus ay mayroon ring parehong mga gene ng reptilya at mamalya na nauugnay sa pagpupunlay ng itlog.[11][12] Dahil ang platypus ay walang gene na tagatukoy ng kasarian na SRY ng mga mamalya, ang mekanismo ng pagtukoy ng kasarian ay hindi alam.[13] Ang isang draptong bersiyon ng genome ng platypus ay inilimbag sa Nature noong 8 Mayo 2008 na naghahayag ng parehong mga elementong reptilyano at mamalyan gayundin ang dalawang mga gene na nakaraan lamang sa mga ibon, ampibyan at isda. Ang higit sa 80% ng mga gene ng platypus ay karaniwan sa ibang mga mamalya na ang genome ay nasekwensiya.[11]
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Padron:MSW3 Monotremata
- ↑ John A. W. Kirsch and Gregory C. Mayer (1998-07-29). "The platypus is not a rodent: DNA hybridization, amniote phylogeny and the palimpsest theory". Philosophical Transactions: Biological Sciences. 353 (1372): 1221–1237. doi:10.1098/rstb.1998.0278. PMC 1692306. PMID 9720117.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Messer, M.; Weiss, A.S.; Shaw, D.C.; Westerman, M. (1998-03). "Evolution of the Monotremes: Phylogenetic Relationship to Marsupials and Eutherians, and Estimation of Divergence Dates Based on α-Lactalbumin Amino Acid Sequences". Journal of Mammalian Evolution. Springer Netherlands. 5 (1): 95–105. doi:10.1023/A:1020523120739.
{{cite journal}}
: Check date values in:|date=
(tulong)CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) - ↑ Phillips MJ, Bennett TH, Lee MS (2009). "Molecules, morphology, and ecology indicate a recent, amphibious ancestry for echidnas". Proc. Natl. Acad. Sci. U.S.A. 106 (40): 17089–94. doi:10.1073/pnas.0904649106. PMC 2761324. PMID 19805098.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) - ↑ Lecointre G, Le Guyader H (2006) The Tree of Life: A Phylogenetic Classification. Harvard University Press.
- ↑ Rauhut, O.W.M.; Martin, T.; Ortiz-Jaureguizar, E.; Puerta, P. (14 Marso 2002). "The first Jurassic mammal from South America" (DOC). Nature. 416 (6877): 165–8. doi:10.1038/416165a. PMID 11894091.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) - ↑ 7.0 7.1 Pascual, R.; Goin, F.J.; Balarino, L.; Udrizar Sauthier, D.E. (2002). "New data on the Paleocene monotreme Monotrematum sudamericanum, and the convergent evolution of triangulate molars" (PDF). Acta Palaeontologica Polonica. 47 (3): 487–492.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) - ↑ Tim Folger (1993-01). "A platypus in Patagonia—Ancient life". Discover. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-10-12. Nakuha noong 2006-10-17.
{{cite web}}
: Check date values in:|date=
(tulong); Unknown parameter|deadurl=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong) - ↑ Selim, Jocelyn (2005-04-25). "Sex, Ys, and Platypuses". Discover. Nakuha noong 2008-05-07.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Grützner, Frank; Willem Rens, Enkhjargal Tsend-Ayush, Nisrine El-Mogharbel1, Patricia C. M. O'Brien, Russell C. Jones, Malcolm A. Ferguson-Smith & Jennifer A. Marshall Graves (16 Disyembre 2004). "In the platypus a meiotic chain of ten sex chromosomes shares genes with the bird Z and mammal X chromosomes". Nature. 432 (7019): 913–7. doi:10.1038/nature03021. PMID 15502814.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) - ↑ 11.0 11.1 Warren, Wesley C.; Hillier, LW; Marshall Graves, JA; Birney, E; Ponting, CP; Grützner, F; Belov, K; Miller, W; Clarke, L (2008-05-08). "Genome analysis of the platypus reveals unique signatures of evolution" (PDF). Nature. 453 (7192): 175–183. doi:10.1038/nature06936. PMC 2803040. PMID 18464734.
{{cite journal}}
: Unknown parameter|laysummary=
ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Beyond the Platypus Genome – 2008 Boden Research Conference". Reprod Fertil Dev. 21 (8): i–ix, 935–1027. 2009.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Explore the Platypus genome". Ensembl. 2006-11. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2007-12-14. Nakuha noong 2007-01-19.
{{cite web}}
: Check date values in:|date=
(tulong)