Pumunta sa nilalaman

Plebisito sa pagbuo ng Awtonomong Rehiyon ng Bangsamoro, 2019

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Plebisito sa pagbuo ng awtonomong rehiyong Bangsamoro, 2019
Payag ba kayo na pagtibayin ang Batas Republika Blg. 11054 na kilala din bilang "Organic Law for the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao"?
ه‍ل أنت توُد الموافقة على القرار الجمه‍ورى رقم ١١٠٥٤ المعروف باسم: "القانون العضوى للحكم الذاتى امنطقة بانجسامورو فى مسلمى مينداناو"
LokasyonMindanao, Pilipinas
PetsaIka-21 ng Enero at ika-6 ng Pebrero, 2019
Resulta sa bawat Lokalidad
     Oo     Hindi
Results
Pagtibayin ang BOL
  
88.57%
Hindi pagtibayin ang BOL
  
11.43%
Kinalabasan
  
87.8%
Mapa ng Mindanao, eksaktong saklaw ng plebisito na tutukuying, bukod pa sa pagproseso ng mga petisyon sa pagsasama ng ibang lokaliday sa plebisito.


Ang plebisito sa pagbuo ng Bangsamoro sa taong 2019 ay isang magaganap na plebisito sa pagratipika sa Bangsamoro Organic Law (BOL) sa Pilipinas, na gaganapin sa ika-21 ng Enero at ika-6 ng Pebrero, 2018. Sa ilalim ng BOL, kinakailangan ng gobyerno na ganapin ang plebisito sa loob ng 150 araw mula sa pagpirma nito bilang batas, ngunit hindi mas maaga sa 90 araw mula sa pagpirma ng batas.

Kapag napasa ang BOL, bubuwaginang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM, o Awtonomong Rehiyon sa Muslim Mindanao) at papalitan ng bubuuing Awtonomong Rehiyon ng Bangsamoro.

Pangunahing bahagi ng Bangsamoro

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Maaring makaboto ang mga botante mula sa mga lokalidad sa bubuuing rehiyon. Ang mga lugar na saklaw ng batas ay:

  • Awtonomong Rehiyon sa Muslim Mindanao (Autonomous Region in Muslim Mindanao)
  • Lungsod ng Isabela
  • Lungsod ng Cotabato
  • Anim na bayan sa Hilagang Cotabato
    • 39 na barangay
      • Aleosan (3) — Dunguan, Lower Mingading, and Tapodoc
      • Carmen (2) — Manarapan and Nasapian
      • Kabacan (3) — Nanga-an, Simbuhay, at Sanggadong
      • Midsayap (12) — Damatulan, Kadigasan, Kadingilan, Kapinpilin, Kudarangan, Central Labas, Malingao, Mudseng, Nabalawag, Olandang, Sambulawan, at Tugal
      • Pigcawayan (8) — Lower Baguer, Bulacayon, Buricain, Datu Binasing, Kadingilan, Matilac, Pato, at Lower Pangangkalan
      • Pikit (11) — Bangoinged, Balatican, S. Balong, S. Balongis, Batulawan, Buliok, Gokotan, Kabasalan, Lagunde, Macabual, at Macasendeg

Kinakailangang ring bumoto ang mga botante sa mga lalawigan ng Lanao del Norte at Hilagang Cotabato kapag pinapayag nilang humiwalay ang mga lokalidad nila mula sa kanilang lalawigan upang sumama sa pinapanukalang Awtonomong Rehiyon ng Bangsamoro.

Ang Katanungan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Mga halimbawang balota para sa plebisito (kaliwa pakanan): Para sa mga botante ng ARMM maliban sa Basilan, Lunsod Isabela sa Basilan, nalalabing bahagi ng Basilan, at Lungsod Cotabato

Ang Tanong na nakalagay sa balota para sa plebisito ay nakasulat sa wikang Filipino (nasa itaas na bahagi) at may pagsasalin sa wikang Arabe (sa ibaba).


In Filipino:

"Payag ba kayo na pagtibayin ang Batas Republika Blg. 11054 na kilala din bilang "Organic Law for the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao"?

In Arabic:

ه‍ل أنت توُد الموافقة على القرار الجمه‍ورى رقم ١١٠٥٤ المعروف باسم: "القانون العضوى للحكم الذاتى امنطقة بانجسامورو فى مسلمى مينداناو"

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.